315 total views
May 28, 2020, 11:55AM
Naniniwala ang pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na marami ang maaring gagawin at matutuhan sa paggamit ng internet sa pag-aaral.
Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng komisyon, mahalagang gamitin lalo sa kasalukuyang sitwasyon ang mga pamamaraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan.
Ngunit binigyang diin din nito na mas nakatutulong sa paghuhubog ng pagkatao ang tradisyonal na pamamaraan ng pag-aaral.
“We really have to make use of what we have. Although of course, despite the fact that with online classes we can do a lot; personal encounter with teachers and fellow students contribute a lot in the formation of the person and of the student,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.
Sa isang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sinabi nitong sa posibleng pagbabalik ng klase sa Agosto maaring gamitin na ang radyo, telebisyon at maging ang internet sa pagtuturo sa kabataan upang mapanatili ang physical distancing na isa sa mga pangunahing panuntunan sa pag-iwas sa corona virus.
Sa kabila nito may agam-agam si Bishop Mallari sa posibleng virtual classes sapagkat marami sa mga Filipino ang walang sapat na access sa internet paritkular sa mga liblib na kanayunan sa bansa tulad ng mga lumad.
“Online study will enables us to see that there is big digital divide; so many of our young students do not have any access to the social media especially those in the rural areas,” dagdag ni Bishop Mallari.
Samantala ayon naman kay Rev. Fr. Nolan Que, Trustee ng CEAP – NCR, malaki ang magiging epekto ng hindi pagbubukas ng klase hindi lamang sa kabataan kundi maging sa mga guro at kawani ng eskwelahan na mawawalan ng kabuhayan.
Sinabi ni Father Que na kung hindi pa handa ang isang institusyon na magbubukas para sa mga estudyante, suriin ang iba pang mga pamamaraan na maipaabot sa mga kabataan ang edukasyon na nararapat.