2,846 total views
Umapela sa pamahalaan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Comission on Public Affairs (CBCP-ECPA) na tutukan at palakasin ang mga programang magpapaunlad sa pamumuhay ng bawat Pilipino.
Ayon kay Father Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP-ECPA,ito ay sa halip na isabatas ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill na pinangangambahang magdudulot ng karagdagang korapsyon sa pamahalaan.
“There are already existing programs that aim to benefit Filipinos. Why not strengthen these instead of establishing another one that is already suspect from the very start,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Father Secillano.
Umaasa ang Pari na pakinggan rin ng pamahalaan kasama ang mga mambabatas ang panawagan ng mamamayang Pilipino sa pagtutol ng batas.
Ang Maharlika Investment Fund bill ay naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.
Sa Senate version ng batas, nakatakdang kunin ang gagamitin na pondo sa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Layunin din ng panukala na magamit ang pondo upang kumita ang pamahalaan ng karagdagang pondo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga government owned investments.