158 total views
Dismayado ang Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMIP) sa ipinakitang ugali sa paliparan ni ACTS-OFW Party-list Rep. Aniceto “John” Bertiz III na naging viral sa Social Media.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman CBCP-ECMIP, bilang kinatawan ng Overseas Filipino Workers (OFW) at Opisyal ng Bansa ay hindi katanggap-tanggap ang ikinilos ng mambabatas sa hindi pagsunod sa Security Protocol sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“Our OFWs are known as honest, hardworking and very helpful. They abide the Laws of the Country, and respect their customs and culture. It is very disappointing and disgraced to see and to know that there are Government Officials whom represent them are not following simple instructions nor respecting rules for security reasons,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.
Giit ng Obispo, hindi lisensya ang titulo o ID ng mga opisyal ng Pamahalaan upang pagsilbihan at magkaroon ang mga ito ang espesyal na pribilehiyo kundi isang tanda sa kanilang posisyon bilang mga lingkod bayan na mapagpakumbabang tumutulong para sa kapakanan ng mga mamamayan.
“Their Government title or ID is not their license to be served nor to get perks, not for personal privileges. They are there in those positions to serve, to help and to labor; not to lord over others nor to feel superior,” dagdag pa ni Bishop Santos.
Paliwanag pa ni Bishop Santos, dapat na mapanindigan ng mga opisyal ng bayan ang kanilang titulo na “Kagalang-galang” sa pamamagitan ng pagsisilbing bilang mabuting halimbawa bilang isang mabuting mamamayan na matapat, marangal at may kusa sa pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntunan at batas.
“These Government officials must give good examples, and live to their title ‘your honor’ as to be also like our OFWs honest, Law abiding and dignified in their works,” ayon pa sa Obispo.
Naniniwala din si Bishop Santos na dapat na magsilbing aral para sa lahat ng mga opisyal ng bayan ang nangyaring ito upang kumilos ng may karangalan at naaangkop sa kanilang titulo bilang mga opisyal ang mga nasa katungkulan.
Tatalakayin naman ng House of Representatives Committee on Ethics and Privileges ang naging insidente kung saan makikita sa CCTV Footage ang hindi pagsunod sa Security Protocol at tila pang-haharass ni Rep. Bertiz sa isang Empleyado ng paliparan.
Kung mapatunayang lumabag ang mambabatas sa Code of Conduct for public officials, and for disorderly behavior ay maaring mapatawan ng 60-araw na suspension.