18,812 total views
Hinimok ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin para sa kaligtasan ng Negros Occidental at Negros Oriental mula sa epekto ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Ipinag-utos ni Bishop Buzon ang pag-usal ng Oratio Imperata pagkatapos ng Panalangin ng Pakikinabang sa bawat Banal na Misa sa mga parokya at pamayanan, upang sama-samang hilingin ang kaligtasan ng lahat sa panganib ng aktibidad ng bulkan.
ORATIO IMPERATA for Deliverance from Natural Calamities
(Adapted from CBCP)
Almighty Father, we raise our hearts to you in gratitude for the wonders of creation, for your providence in sustaining us in our needs and for your wisdom that guides the course of the universe. We acknowledge our sins against you and the rest of creation. We have not been good stewards of your creation. We turn to you, our loving Father, and beg forgiveness for our sins.
We pray to you for protection from calamities, from the floods and raging waters brought by storms, from howling winds that destroy our homes, from the loosening of the earth that brings landslides. Calm the storm and keep us all safe and far from harm these perilous days.
Now, in the face of volcanic eruptions and its aftereffects, save us from sulfurous gases and burning ashfalls, from the risk of mudflows, flash floods, and earthquakes. Protect our lives, our households, and livelihood.
We ask this through Your Son, Jesus Christ, who lives and reigns with You and the Holy Spirit now and forever.
Amen.
Saint Sebastian, pray for us!
Tiniyak naman ng Diocese of Bacolod ang patuloy na pananalangin para sa mga lubhang apektadong mamamayan ng Negros Island lalo na ang mga nagsilikas at kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers.
Nagbabala naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibilidad ng muling pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa kabila ng bahagya nitong pagkalma.
Lunes ng gabi nang sumabog ang Bulkang Kanlaon na tumagal ng anim na minuto na nagbunsod upang itaas sa Alert level 2 mula sa Alert level 1.