256 total views
Itinuturing na biyaya ng Diocese of Balanga ang paggagawad ng Vatican ng titulong Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary sa Orani, Bataan.
Ito ang ibinahagi ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos kasunod ng opisyal na pag-apruba at paggagawad ng Vatican Sacred Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments ng titulong Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary Parish Church.
Ayon kay Bishop Santos, isang tunay na biyaya para sa buong diyosesis ang pagkakahirang sa Simbahan bilang isang Minor Basilica na magsisilbing daluyan ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos.
“The Vatican sacred Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments has granted the title of Minor Basilica to our parish church of Our Lady of the Rosary in Orani. A blessing to the Diocese of Balanga. Our devotion to our Blessed Mother. Truly for us she is our Virgen Milagrosa del Rosario del Pueblo de Orani.” pagbabahagi ni Bishop Ruperto Santos.
Nagpaabot rin ng lubos na pasasalamat si Bishop Santos sa Kanyang Kabanalan Francisco sa naging magandang regalo para sa mga mananampalataya ng Diocese of Balanga, Bataan.
“An immense grace from God. A very precious gift from the Holy Father. We glorify Him. We are very much grateful to His Holiness, Pope Francis.” Dagdag pa ni Bishop Ruperto Santos.
Ang titulong Minor Basilica para sa isang Simbahan ay isang pambihirang pribilehiyo na iginagawad mismo ng Santo Papa.
Ang Our Lady of the Rosary Parish Church ang kauna-unahang Minor Basilica ng Diocese of Balanga, Bataan.
Dahil dito, umabot na sa 16 ang Basilica Minore sa Pilipinas kung saan ang ilan sa pinakakilala at dinarayo ng mga mananampalataya ay ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church at ang Minor Basilica of Santo Niño de Cebu.