886 total views
Kapanalig, kung pagbabatayan natin ang 2013 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), makikita natin na mga apat na milyong kabataan at bata ay out-of-school.
Ang out-of-school children, ayon sa depinisyon ng FLEMMS, ay mga batang 6 to 24 na wala sa paaralan. Ang out-of school youth naman ay mga indibidwal na may edad 15-24 na hindi pumapasok sa paaraalan, hindi nakatapos ng kolehiyo o ng kahit anong post-secondary course, at hindi nagtatrabaho.
Ayon pa sa FLEMMS, ang Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM ang may pinakamataas na proportion ng OSY. Umabot ito ng 14.4%. May anim na rehiyon pa na may mas mataas pa na proporsyon kaysa sa national average ng out-school-youth and children: SOCCSKSARGEN, Davao, Central Luzon, Zamboanga Peninsula, Caraga and MIMAROPA. Ang national average, kapanalig, ay 10.6%.
Ayon sa survey, mga 22.9% ng mga out-of-school-youth and children ay may mga asawa o kinakasama na. Mga 19.2% naman ang nagsabi na kulang ang kita ng pamilya para pag-aralin pa sila. Mga 19.1% naman ang nagsabi na wala silang interes na pumasok ng pamahalaan.
Kapanalig, ang mga datos na ito ay mahalaga, dahil ito ay nagsasabi sa atin hindi lamang ng problema, kundi pati mga posibleng solusyon. Kung susuriin maigi, makikita natin na maari tayong magbigay prayoridad sa mga lugar kung saan mataas ang proporsyon ng OSY. At dahil ang survey ay nagpapakita na rin ng datos ukol sa mga maaring rason kung bakit hindi na nag-aaral ang mga bata, maari na nating lapatan ng solusyon.
Kung pagbibigyan natin na bigyang gabay tayo ng mga mapagkakatiwalaang datos, maari tayong makakuha ng quick-wins. Matutukan natin ang mga lugar kung saan tayo ay kailangan, at maibibigay din natin kung ano ang pangangailangan.
Sa datos ng FLEMMS, ang ARMM ang may pinakamataas na proporsyon ng OSY. At hindi naman lingid sa ating kaalaman na mataas din ang poverty incidence sa rehiyon na ito. Nasa 53.7% ito, kapanalig, ayon sa huling datos ng PSA. Ang prinisipyo ng preferential option for the poor o pagtatangi sa maralita ng ating Simbahan ay nag-uudyok sa atin na tumungo at tumulong kung saan tayo pinaka-kailangan-to help where help is most needed. At sa ARMM, kapanalig, makikita natin, bata man o matanda, nakakaranas ng hirap. Sa halip na maghasik ng kamatayan, buhay at pag-asa naman ang ating ikalat.
Ang Populorum Progressio ay may maanghang na paalala sa ati. Gisingin sana tayo nito: “If someone who has the riches of this world sees his brother in need and closes his heart to him, how does the love of God abide in him?” (1 Jn 3:17). It is well known how strong were the words used by the Fathers of the Church to describe the proper attitude of persons who possess anything towards persons in need. To quote Saint Ambrose: “You are not making a gift of your possessions to the poor person. You are handing over to him what is his. For what has been given in common for the use of all, you have arrogated to yourself. The world is given to all, and not only to the rich.”