174 total views
Nangangamba si Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa mga ulat hinggil sa patuloy ng recruitment ng mga ISIS terrorist sa kanilang lungsod lalu na sa mga batang Muslim.
Ayon sa Obispo, matagal na itong nangyayari at nagpapatuloy pa rin rin hanggang sa kasalukuyan.
“Although meron tayong pangamba sa mga kabataang mga Muslim. Dahil nga malakas ang recruitment sa kanila on the part of the ISIS. Tayo rin, meron tayong ginagawa para mahadlangan ang kanilang pagrerecruit. Give them other perspective in life, puwede naman tayong magtulungan. Together …”ayon kay Bishop Dela Peña.
Sa kabila nito, sinabi ni Dela Pena na patuloy pa rin ang kanilang programa katuwang ang mga Muslim counterpart para bigyan ng alternatibo ang mga kabataan tulad ng peace education at poverty eradication.
“Matagal na ‘yan, hanggang ngayon tuloy-tuloy pa rin ang kanilang recruitment…may feelers from outside. Nasa early age. I just don’t want to speculate. Sabi nga daw they are just waiting for order to deploy. Sabi ko nga, paano na lang ang ating plano we want to be part of rehabilitation of the city. Kung ganyan ang susunod na kabanata another outbreak,” ayon kay Bishop Dela Peña sa panayam ng Radio Veritas.
Sa kasalukuyang ay may higit na sa 800 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na kaguluhan sa Marawi City may limang buwan na ang nakalilipas.
Base sa 2015 report, kabilang sa 10 pinakamahihirap na lalawigan sa bansa ay mula sa Mindanao Region, nangunguna dito ang Lanao Del Sur na matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Naniniwala ang Obispo na ang patuloy na kaguluhan sa kanilang lugar ang dahilan ng kahirapan kaya’t patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa komunidad para magkaisa na humanap ng solusyon at hindi hayaan ang patuloy na digmaan.
“Sabi nga ng founder ng Community SantEgidio, the mother of all poverty is war. Itong giyera na walang katapusan sa Mindanao ang dahilan ng matinding kahirapan sa Mindanao. Particularly sa ARMM ‘yan ang cellar dweller kami in all areas of life, education; malnutrition, poverty,” dagdag pa ng Obispo.