183 total views
Kapanalig, ang ating over-reliance sa krudo ang isa sa naging pinakamalaking weakness ng ating bayan ngayon. Ang ating urbanisasyon ay nakasentro sa mobilidad na nakadepende sa mga de-langis na sasakyan. Kaya’t ngayong tila inaabot ng presyo ng krudo ang langit, sa halip na pang-long-term na kaunlaran ang ating nakamit, na-preso natin ang ating progreso sa langis. Sa pagtaas ng presyo nito, lahat na ng presyo ng batayang produkto ay nagtaasan na rin. At ang nakakalungkot, pati mga diskarte natin para kumita, naapektuhan na. Para makapunta sa trabaho, malaking halaga pa ang gagastusin mo. Sa halip na kumita, marami ang nagkakautang pa sa ngayon.
Kapanalig, noong Hunyo 2021, ang presyo ng gas dito sa Metro Manila ay nasa P50-55 lamang at ang diesel ay nasa P40 lang. Ngayon, nasa P86 na ang gas at diesel. Sobra pa sa 100% ang tinaas ng diesel, kapanalig, na siyang pangunahing langis ng mga public transport vehicles. Dahil dito, marami ng jeepney drivers ang tigil-pasada muna. Sa krudo na lang kasi napupunta ang kita nila.
Ang sitwasyon na ito, kapanalig, ay sana’y naging matinding aral sa ating bansa. Dahil tayo ay nakadepende lamang sa krudo para sa ating mobility, kapag hindi na ito abot kamay, maraming mga industriya ang mapaparalisa. Maiibsan sana kahit papaano ang problema sa mobility ng tao kung ating tiniyak na ang urbanisasyon ng bansa ay naka-ankla sa prinsipyo ng sustainability.
Ang pagiging walkable at bikeable ng ating mga syudad ay isa sanang malaking tulong ngayon sa mga mamamayang Filipino na hirap na hirap na sa linggo-linggong pagtaas ng langis.
Kung bike-friendly lamang at pedestrian-friendly ang ating mga syudad, kapanalig, mas marami sanang mamamayan ang may opsyon para sa transportasyong maka-kalikasan at makatao. Sa ngayong kulang pa ang public transport, at nabawasan pa dahil sa taas ng krudo, ang bike sana at ang maayos na bangketa para sa naglalakad ay malaki ang tulong. Malaking ganansya ito para sa mga manggagawa ng bayan, kasama na ang mga frontliners, gaya ng mga health workers at iba pang propesyonal, na hindi na kailangang makipagtunggali pa sana sa kalye.
Ayon kay Pope Francis sa Laudato Si: Both everyday experience and scientific research show that the gravest effects of all attacks on the environment are suffered by the poorest. Kitang kita at damang dama natin ang katotohanan ng mga katagang ito sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Kapanalig, ang ating over-dependence sa langis pagdating sa urban mobility ay matuturing na “injustice,” lalo na sa maralita. Kailangan ng ating bayan na mag-invest o mamuhunan na sa mga praktikal at mas matipid na modes of mobility hindi lamang para makatipid, kundi para na rin sa kinabukasan ng ating planeta.
Sumainyo ang Katotohanan.