Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

P150M halaga ng misdeclared na asukal,kinumpiska ng BOC-Subic

SHARE THE TRUTH

 2,987 total views

P150M halaga ng misdeclared na asukal,kinumpiska ng BOC-Subic

Naharang ng Bureau of Customs – Port of Subic ang mahigit 30,000 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng P150 milyon sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales noong Marso 2.

Pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio kasama sina District Collector Maritess Martin, DA Assistant Secretary James Layug, at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Rolen Paulino ang pagsusuri sa 58 container kung saan nakalagay ang mahigit 30,000 sako ng misdeclared refined sugar.

Tiniyak naman ni Commissioner Rubio na paiigtingin pa ng BOC ang kampanya laban sa smuggling lalo na ang iligal na pagpasok ng mga produktong agrikultural na lubhang nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante.

Binuksan din ng BOC ang dalawang container ng squid rings kung saan nakatago ang iba’t ibang frozen meat product na hindi idineklara na nagkakahalaga ng P40 milyon.

Umabot naman sa 9.5 milyong pakete ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.42 bilyon ang narekober sa isinagawang operasyon ng BOC sa isang warehouse sa Indanan, Sulu.
Ito ang pinakamalaking halaga ng smuggled na sigarilyo na nakumpiska sa isang operasyon sa ilalim ng Marcos administration.

Kasabay ng pinaigting na operasyon ng BOC ay nalagpasan din nito ang target na makolektang buwis noong Pebrero.

Nakakolekta ito ng P63.015 bilyon mas mataas sa target na P61.82 bilyon at sa nakolektang P59.43 bilyon sa kaparehong buwan noong 2022.

Sa unang dalawang buwan ng taon ay P133.38 bilyon na ang nakolekta ng BOC na lagpas sa P124.73 bilyong target nito.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 13,198 total views

 13,198 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 20,976 total views

 20,976 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 29,156 total views

 29,156 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 45,557 total views

 45,557 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 49,500 total views

 49,500 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 3,983 total views

 3,983 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 9,598 total views

 9,598 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top