255 total views
Humihingi ng 500 pisong subsidy kada buwan sa gobyerno ang Trade Union Congress of the Philippines para sa mga manggagawa.
Ito ang isa sa inilatag na mungkahi ng TUCP sa administrayong Duterte kaugnay na rin ng pagdiriwang ng Labor Day.
Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, ang subsidy o Emergency Labor Empowerment and Assistance program ay upang tugunan ang tumataas na gastusin sa araw-araw.
Sa ulat, ang P491 kada araw bilang minimum wage ay may P361 lamang na purchasing lalut ang piso ay katumbas na lamang ng .70 sentimo dahil sa taas ng pangunahing bilihin.
Sa ulat, ang P491 kada araw bilang minimum wage ay may P361 lamang na purchasing power lalut ang piso ay katumbas na lamang ng .70 sentimo dahil sa taas ng pangunahing bilihin.
“Ibinigay namin sa kaniya (Duterte) ang 11 point agenda, nangunguna po dito ay kailangang desisyunan ng Pangulo kung ipagpapatuloy pa ba ang contractualization o ipagbawal na. Ikalawa may hinihingi din kaming subsidy na P500 kada buwan dahil ang value ng piso ngayon ay 70 centavos na lamang, kaya humihingi kami ng subsidy para sa lahat ng mga manggagawa”, ayon kay Tanjusay.
Hiling din ng TUCP na ipagpapaliban ng administrasyong Duterte ang pagpapatupad ng Department Order 174.
Ayon kay Tanjusay, base sa natatanggap nilang ulat nangangamba ang mga manggagawa na wala rin pagkakataon ang mga contractual workers na maging regular workers sa kabila ng kautusan.
Giit ni Tanjusay, ang kautusan ay pagpapatibay lamang ng job and service contracting.
Read:
Manggagawa, talo sa “the end” ng ENDO.
Sa tala, 69.4 milyon ang bilang ng labor force sa bansa o kabuuang 60.7 percent ng populasyon base sa datos ng Enero 2017 na nasa edad labing lima pataas bagama’t, tumaas sa 6.6 percent ang unemployment rate sa bansa.
Sa Social Doctrine of the Church, bagamat sang-ayon ang Simbahan na lumago ang mga mamumuhunan, subalit dapat ang kitang ito ay naibabahagi sa mga kawani na katuwang sa kanilang pag-unlad.
Base sa encyclical na isinulat ni Pope John Paul II na Laborem Exercens na mas dapat isaalang alang ang manggagawa bilang mga taong may dignidad sa halip na ituring bilang produkto na pinagkakakitaan.