1,870 total views
Isinulong ng Federation of Free Workers (FFW) na itaas sa P65 thousand ang Entry Level Monthly Salary ng mga nurse sa buong bansa.
Ayon kay FFW President Atty Sonny Matula, ito ay para sa mga nurse sa mga pampubliko at pribadong ospital.
Ang panawagan ay kasabay ng pagsusulong ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, na itaas ang natatanggap na suweldo ng mga nurse mula 36,619-pesos sa 63,997-pesos.
“Moreover, FFW persists in urging for the immediate distribution of Health Emergency Allowances (HEA), formerly known as the One COVID-19 Allowance (OCA), to healthcare workers in accordance with Republic Act No. 11712. This Act guarantees a monthly HEA for healthcare workers for the duration of the COVID-19 induced state of calamity.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.
Giit pa ni Matula, mahalaga ding matanggap na ng mga nurse na pangunahing tumugon sa pandemya ang health allowances na mahigit dalawang taon ng hindi pa tapos ang pamamahagi.
Muli ring nananawagan sa pamahalaan ang opisyal ng FFW upang maisabatas at umiral na ang mga panukala sa Kongreso at Senado na dadagdagang ng hanggang 150 pesos ang minimum wage sa lahat ng rehiyon.