248 total views
Sa kabila ng nag-uumapaw na impormasyon patungkol Covid19 ay marami pa din ang kulang ang kaalaman patungkol dito.
Ilan sa mga nag-popositibo ang hindi agad naagapan at nagdudulot ng transmission ng virus sa kanilang mga kaanak o kasama sa bahay.
Marami din ang nagkakaroon ng agam-agam sa pagpapabakuna habang mayroon naman na nagpapasimula ng pamimigay ng mga libreng gamot.
Sa tulong ni Dr. Gene Nesperos, isang Community Doctor at Professor sa UP PGH, sinagot niya ang ilang mga katanungan at haka-haka kaugnay sa Covid19 sa segment na “All rights sa Caritas in Action.”
HOST: Kapag nag-negatibo sa swab test nangangahulugan ba ito na ligtas ka na sa Covid19?
DR. NESPEROS: Una ang batayan sa Covid19 ay sintomas, , hindi lang ang test ibig sabihin kung may sintomas ka duda na tayo lalo na kung nawalan ng pang-amoy o pan-lasa yan talaga kahit hindi ka na magpa-test pwedeng i-consider na yan na positive yun test is for confirmatory, para ma-confirm kung meron ka talaga Covid, kung ikaw may sintomas at nag-negative ang swab test mo i-aasume ko pa din na positive ka or may sakit ka na hindi Covid pero dapat mag quarantine ka pa din lalo na kung mayroon kang exposure.
QUESTION: kailangan pa ba tapusin ang 14 day quarantine kung nag-negatibo na sa swab test? DR. NESPEROS: Ang protocol ngayon kapag nag-quarantine ka at nag negative ka sa swab hindi ibig sabihin nun tapos ka na quarantine ka pa din lalo na kung close cotnact ka. Yun 14 days kasi nakabatay sa incubation period ng sakit so pwedeng ma-incubate sya sayo sa 14th day pasok pa din.
QUESTION: Totoo po ba na napipigilan ng gamot na Ivermectin ang Covid19? DR. NESPEROS: gamot siya sa mga hayop tulad ng mga baka, may ibang mga gamot na mas safe na gamitin, actually sa Pilipinas ang formulation lang ng Ivermectin na available para sa tao ay “Topical” o yun pinapahid sa balat, yun mga sinasabi ng promoters ng Ivermectin ay illegal po dahil wala naman sinasabi na approved ng FDA for human consumption ito particularly para sa Covid. kung titignan ninyo ang doses walang scientific basis na ito ang dapat kasi nga po ang dose ay napakataas.
QUESTION: nakakatulong ba ang pag-susuob para magamot ang Covid19?
DR. NESPEROS: Hindi po kasi na-airosolize nya kasi sa halip na sa droplets ng laway nang-gagaling kapag nag-suob nasasama siya sa hangin mas tumatagal siya sa hangin mas hindi sya advisable lalo na kung may kasama ka sa kwarto kapag nagsusuob ka o marami kang kasama kasi nga ang laway natin na aaerosolize at lalo lang siyang kakalat.
QUESTION: Nakakatulong daw po ba ang mga vitamins lalo na ang Vitamin D para hindi magkaroon ng Covid19?
Dr. Nesperos: wala pa pong study na nagsasabi na ang pag-inom ng ano mang vitamins ay nakakapagpababa ng tiyansa natin na magkasakit o ng matinding Covid. Kung ikaw ay umiinom ng 1 tablet a day okay lang po yun pero wag umasa na yun ay sheild at maaring makatulong sa immune system natin pero walang study na makakapagsabi na yun ay nakakapagpababa ng vulnerability natin so maari pa din tayo magka Covid19.
QUESTION: nakakatulong po ba ang pagsusuot ng 2 Facemask ng sabay? DR. NESPEROS: Advisable na po yan ngayon lalo na kung ang Facemask mo ay tela. Kasi kung isa lang dapat maganda ang fit sa ilong hanggang baba.
QUESTION: Nakakatulong ba ang paggamit ng UV light at air purifier?
DR. NESPEROS: Yun air purifier lalo na yun sinusuot sa dibdib wala yan [epekto]. hindi nakakatulong at wala pang pag-aaral na talagang effective sya. yun UV meron pero ang suggestion dapat alam mo ang pag-gamit nyan. Kahit sa Ospital hindi lang basta ang pag-handle nyan meron din yan sinusunod na pamamaraan.
QUESTION: Kailanga po ba magpa-test ulit ang kagagaling lamang sa Covid bago bumalik sa trabaho o opisina?
DR. NESPEROS: Hindi required ang magpa-test ulit kahit DOH mayroon memo na hindi kailangan ipa-test ang empleyado na nagpositive na dahil may makukuha pa sa test nya na virus kahit pira-piraso na yan ay lalabas pa din ito sa kanyang test.
Ang mga katanungan na ibinahagi sa programang Caritas in Action ay batay sa nakalap ng facebook page ng Ideals. Inc