Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paano magiging tunay na makabayan?

SHARE THE TRUTH

 1,046 total views

Mga Kapanalig, nais ni Pangulong Duterte na gawing mandatory muli ang ROTC o Reserved Officers’ Training Corps para sa mga estudyanteng nasa senior high school o grade 11 at grade 12. Handa raw siyang maglabas ng Executive Order upang gawing required ang ROTC. Katwiran niya, paraan ang ROTC upang itanim sa isip ng mga kabataan ang pagiging makabayan.

Suportado ng chairperson ng National Youth Commission o NYC na si Ronald Cardema, lider ng Duterte Youth Movement, ang mungkahi ng pangulo. Para sa kanya, dapat ding gawing mandatory ang Citizenship Advancement Training o CAT sa mga estudyanteng nasa grade 9 at grade 10, gayundin ang scouting program sa elementarya. Mukhang hindi batid—o sadyang hindi inalam—nina Pangulong Duterte at ng NYC chairperson kung bakit hindi na mandatory ang ROTC at CAT.

Noong 2001, pumutok ang isyu ng korapsyon sa ROTC sa isang prominenteng unibersidad. Ayon sa isang mag-aaral, nagbibigay raw sila ng pera sa mga officers upang hindi sila pahirapan sa pagsasanay at upang makapasá sila sa programa. Ang pagsisiwalat na ito ng mag-aaral ay nauwi sa kanyang pagkamatay. Napatunayang kadete ng ROTC ang isa sa mga nasa likod ng krimen at nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo, habang hindi pa rin sumusuko ang ibang salarin. Ito ang nagbunsod ng pagsasabatas ng National Service Training Program Act noong 2002 kung saan ginawang optional na lang ang ROTC. Isa na lang ito sa tatlong maaaring gawin ng mga mag-aaral sa ilalim ng National Service Training Program o NSTP. Bukod sa ROTC, maaari silang magbigay ng Literacy Training Service o LTS kung saan nagtuturo ang mga estudyante sa mga bata, out-of-school youth, at iba pang hindi naaabot ng pormal na edukasyon. Maaari rin nilang piliin ang Civil Welfare Training Service o CWTS kung saan tumutulong sila sa mga komunidad sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga pasilidad, pagtulong sa pag-aabot ng serbisyong medikal, at iba pa.

Bakit kaya ROTC lamang ang nakikitang paraan ni Pangulong Duterte upang turuang maging makabayan ang mga mag-aaral? Ano ang katiyakang mawawala ang katiwalian sa programang ito? May mga pagbabago bang gagawin?

Hindi lamang kasanayang-militar na ibinibigay ng ROTC at CAT ang makapagtuturo ng pagkamakabayan sa kabataan. Hindi ba’t mas nahuhubog ng LTS at CWTS sa mga mag-aaral ang kanilang pagkamamamayan at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kanilang kapwa at pagbibigay-serbisyo sa mga komunidad? Hindi ba’t sa halip na sanayin silang humawak ng armas ay mas mabuting turuan silang makipagkapwa sa mga kababayan nating nangangailangan?

Kung may katumbas ang pagiging “makabayan” sa mga prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan o Catholic social teaching, ito ay ang prinsipyo ng solidarity o pakikiisa. Hinihingi ng prinsipyong ito na tayo ay maging maláy at mulát sa ating tungkuling ibahagi ang ating sarili sa lipunan. At walang iisang paraan upang ipakita natin ang ating pakikiisa sa ating kapwa at kababayan. Maipakikita ito hindi lamang sa pagiging handang lumaban sa digmaan. Maipakikita ito sa pagsisikap na mag-ambag sa kaunlaran ng kaalaman ng ating kapwa, o sa pagsama ng ating boses sa panawagan ng mga tao sa mga komunidad para sa mas maayos na mga serbisyo.

Mga Kapanalig, sa halip na gawing mandatory muli ang ROTC at CAT, mainam na gamitin ng ating mga lider ang kanilang oras at ang pera ng bayan sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon sa ating bansa, gaya ng pagtatayo ng maayos na mga pasilidad at patuloy na pagsasanay sa mga guro. Higit sa lahat, tunay na magiging makabayan ang kabataan kung huhubugin silang mag-isip nang kritikal upang makita ang tama at mali sa kanilang paligid, at mula rito ay kikilos sila upang iangat ang kanilang sarili at ang kanilang kapwa.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 7,995 total views

 7,995 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 26,727 total views

 26,727 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 43,314 total views

 43,314 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 44,584 total views

 44,584 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 52,035 total views

 52,035 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 7,996 total views

 7,996 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 26,728 total views

 26,728 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 43,315 total views

 43,315 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 44,585 total views

 44,585 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 52,036 total views

 52,036 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 52,550 total views

 52,550 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 45,252 total views

 45,252 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 80,797 total views

 80,797 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 89,673 total views

 89,673 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 100,751 total views

 100,751 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 123,160 total views

 123,160 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 141,878 total views

 141,878 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 149,627 total views

 149,627 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 157,798 total views

 157,798 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top