Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paano matatapos ang mga pagpatay?

SHARE THE TRUTH

 286 total views

Mga Kapanalig, sa dami ng mga pinapatay, tila ba nasanay na tayo—kung hindi man manhid—sa mga balita tungkol sa pagdanak ng dugo sa ating bayan.

Ngunit lubhang nakababahala ang nangyari noong nakaraang linggo kung saan siyam na aktibista sa iba’t ibang probinsya sa Timog Katagalugan ang namatay sa kamay ng mga sundalo at pulis. Sa loob lamang ng isang araw, pinatay ang mga aktibista sa magkakasabay at magkakaugnay na raid na isinagawa ng Philippine National Police (o PNP) at Armed Forces of the Philippines (o AFP). Bahagi iyon ng nagpapatuloy na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army (o CPP-NPA).

Dalawang araw bago ang madugong araw na iyon, naglabas ng “shoot-on-sightorder si Pangulong Duterte laban sa mga kasapi ng rebeldeng organisasyon. Sinabihan niya ang mga pulis at sundalong patayin ang mga rebelde kapag makaengkuwentro nila sila. “Make sure you really kill them, and finish them off if they are alive,” utos ng pinakamataas na lider ng pamahalaan. Tiyakin daw ng mga sundalo at pulis na mapapatay nila ang mga rebelde at walang ititirang buháy.



At katulad ng masunuring mga alaga, agad na nagpakitang gilas sa kanilang amo ang ating mga tagapagpatupad ng batas. Ngunit batay sa mga naunang ulat, wala namang engkuwentrong nangyari. Tangan ang mga kinukuwestyon ngayong search warrants, sumugod ang mga sundalo at pulis sa mga bahay at opisina ng mga aktibistang kinabibilangan ng mga nagtatanggol sa kalikasan at nag-oorganisa ng mga maralitang tagaungsod. Katulad ng ikinakatwiran sa tuwing may mga namamatay sa mga drug operations ng mga pulis, nanlaban daw ang mga aktibista kaya sila napatay.

Tama ang sinabi ng grupong Human Rights Watch: hindi malinaw sa kampanya ng pamahalaan laban sa tinatawag na “insurgency” kung sinu-sino ang mga armadong rebelde at ang mga aktibista, lider-manggagawa, at tagapagtanggol ng karapatanng pantao. Ibig sabihin, kahit ang mga nagsusulong ng pagbabago sa mapayapang paraan ay ginagawa na ring target ng mga sundalo at pulis. Ito ang bunga ng walang humpay na red-tagging na ginagawa ng ilan nating lider at tagasuporta ng administrasyon. Nalalagay sa panganib ang buhay ng mga nasa larangan ng adbokasiya—kabilang ang ilang taga-Simbahan—dahil iniuugnay sila sa mga rebeldeng grupong nais tapusin ng pamahalaan.

Sa gitna ng krisis na dala ng pandemyang hindi pa rin natin lubusang natutugunan, heto at nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pagpapalaganap ng takot sa ating bansa. Hindi natin kinukunsinti ang paggamit ng karahasan ng mga grupong nagsusulong ng kanilang pinaniniwalaang tamang pagbabago, ngunit hindi rin natin sinusuportahan ang lantarang pagsasantabi sa karapatang pantao at tamang proseso ng batas sa ngalan ng kapayapaan at kaayusan. Wika nga ni Pope Paul VI, “if you want peace, work for justice.” Kung nais natin ng kapayapaan, kumilos tayo para sa katarungan. Sa inyong palagay, patungo ba sa katarungan ang pagpatay sa mga itinuturing na kalaban ng Estado? Tunay na kapayapaan ba ang bunga ng pananakot maging sa mga tunay na kumikilos para sa isang makatarungang lipunan?

Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo na maging mga tagapamayapa. Ito ang mababasa natin sa Mateo 5:9: “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.” Huwad ang kapayapaang nakakamit natin kung kaakibat nito ang pagpatay sa ating kapwa, ang pagsasantabi sa kanilang dignidad, at ang pag-abuso sa kapangyarihan ng mga may tangan nito.

Mga Kapanalig, nakakatakot ang patuloy na pagdanak ng dugo sa ating bayan. Ngunit hindi ito matatapos kung patuloy tayong bulag at bingi sa mga nangyayari sa ating paligid. Hindi ito matatapos kung tayo mismo ay sumasang-ayon sa pamamayani ng takot at karahasan sa ating lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 11,553 total views

 11,553 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 21,668 total views

 21,668 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 31,245 total views

 31,245 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 51,234 total views

 51,234 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 42,338 total views

 42,338 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 667 total views

 667 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 11,554 total views

 11,554 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 21,669 total views

 21,669 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 31,246 total views

 31,246 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 51,235 total views

 51,235 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 42,339 total views

 42,339 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,617 total views

 40,617 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 44,186 total views

 44,186 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,642 total views

 56,642 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,709 total views

 67,709 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 74,028 total views

 74,028 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,640 total views

 78,640 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 80,201 total views

 80,201 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,762 total views

 45,762 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 68,423 total views

 68,423 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top