571 total views
Surigao del Norte,Philippines– Muling nanawagan ng tulong pinansiyal ang Diocese of Surigao upang ganap na makabangon ang mga biktima ng 6.7-magnitude na lindol na tumama sa lalawigan noong nakaraang buwan ng Pebrero.
Ayon kay Surigao Bishop Antonieto Cabajog, maituturing pa rin nilang biyaya at grasya ang nangyaring trahedya lalo na hindi masyadong nalimas ang kanilang mga pangunahing pangangailang tulad ng pagkain.
Iginiit ni Bishop Cabajog na nakatutok sila ngayon sa pagtatayo ng mga kabayahan lalo na ng mga mahihirap na komunidad upang maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay.
“Financial assistance, yun naman ang kailangan natin ngayon. Kasi magkaiba ito sa bagyo kasi yung bagyo natangay lahat sa flooding. Pero ito wala hindi nasira ang pamumuhay, hindi nawala yung stocks ng bigas natin sa bahay hindi naman yun ang immediate need. Ang talagang pangangailangan ngayon how to rebuild and repair yung damage na homes and houses.”pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito ay nag – alay na rin ng panalangin si Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa naging agam – agam na pagbabadya ng paggalaw ng West Valley Faoult o mas kilala bilang “The Big One” matapos ang naging pagyanig sa Surigao at Davao.
Read: http://www.veritas846.ph/cbcp-naglabas-ng-panalangin-para-sa-big-one/
Pinawi naman PHIVOLCS o Philippines Institute of Volcanology and Seismology ang kumakalat na impormasyon sa nalalapit na paggalaw ng West Valley Fault o ng Big One ay mangyayari anumang araw ngayong Linggo mula sa ika – 24 ng Pebrero hanggang ika – 8 ng Marso.(Romeo Ojero)