1,659 total views
Tiniyak ng Ibon Foundation ang patuloy na pagsasagawa ng mga pag-aaral na nakabase sa katotohanan at datos.
Ito ay sa isinagawang Ibon Foundation Birtdtalk Forum on Socioeconomic and Political trends na tinalakay ang mga suliranin sa ekonomiya at nag-mungkahi ng mga akmang pagtugon sa mga ito.
Nangako si Sonny Africa – Executive Director ng Ibon Foundation sa pagpapatuloy ng mga pag-aaral upang mabigyan ng mga makabuluhang datos ang multi-sectoral groups na maging batayan sa mga ipinananawagan at apela sa pamahalaan.
“Alam namin ang pagsusuri gaano man katalas ay walang saysay kang walang pampulitikal na lakas na gumagamit sa kaniya, so para amin ang tunay na kahalagahan ng pagsusuri namin ay bitbit siya ng mga organisadong grupo na ginagamit sa kanilang mga laban, kung may maitulong kami doon ikatutuwa namin yon,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Africa.
Inaanyayahan din ni Africa ang publiko na makibahagi sa forum ng Ibon Foundation sa kanilang official facebook page.
Maaari ring mabasa ang kanilang mga lathala at pag-aaral sa official website ng Ibon Foundation sa www.ibon.org.
“Labas pa sa aming regular every semester, may birdtalk at usapang ibon kami every January, every July yan, meron kaming tuloy tuloy na forum series, itong February mag-istart kami ng forum series with peoples economic and yung mga solusyon sa komprehensibong problema ng mga mamamayan, maliban pa don siyempre iniimbatahan kami para magsalita, siguro hindi bababa sa 100 kada taon ang mga dinadaluhan na mga forum bilang mga inputs, bilang mga speakers so tuloy tuloy actually,” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Africa.
Patuloy naman ang pagsusulong ng simbahang katolika sa katotohanan na iwinawaksi ang pag-usbong ng mga ‘fake news’ sa lipunan.