181 total views
Ipinagpasalamat ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ang desisyon ng pamahalaan lalo ng Bereau of Customs na tanggalan ng buwis ang ipinapadalang balikbayan box ng mga nasa 15 milyong Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, kalihim ng komisyon, ang hakbang ay pagmamalasakit ng pamahalaan sa mga O-F-Ws upang mapagaan ang kanilang pasanin at makapagpadala ng maluwag sa kanilang pamilya.
“Encouraging and inspiring news to our OFW, a welcome relief and assurance that our government cares and are concerned with them. With this tax exemption our OFW can send more to their families, a huge help and assistance,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Hinimok naman ni Bishop Santos ang mga opisyal ng Customs na paigtingin ang kampanya sa mga empleyado na patuloy na nagnanakaw ng mga kagamitan sa mga balikbayan boxes.
“Yet we caution our government officials not to resort to previous shameful and corrupt practices of stealing some items. Only those which pass X-ray machines, found questionable, be opened as posted ‘handle with care and with honesty.’” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Samantala, nabatid na Disyembre ilalabas ang bagong patakaran sa balikbayan box.
Sa bagong patakaran, 6 months hanggang less than 5 years na nanirahan sa ibang bansa ay maari nang magbitbit ng balikbayan box na may lamang iba’t ibang produkto na nagkakahalaga ng hindi lalagpas ng P150,000.
Kapag 5 years less than 10 years sa abroad hanggang P250,000 ang halaga ng balikbayan box na pwedeng dalhin na walang buwis.
350,000 pesos namang halaga ng laman ng balikbayan box ang puwede sa mga Pinoy na 10 taon na o mahigit ang pananatili sa abroad.
Pinapayagan naman ang mga OFW na makapagdala ng P150,000 na halaga ng balikbayan box.
Nauna nang pinapalansag ni Bishop Santos ang “laglag bala scam at illegal recruitment habang patuloy naman ang panawagan sa pagpapalaya sa mga bilanggong migranteng Pinoy.