375 total views
Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na manumbalik sa normal ang sitwasyon ng lipunan na malayang magpuri sa Diyos ang mananampalataya.
Ito ang bahagi ng Urbi Et Orbi ng Santo Papa nitong Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.
Ikinalungkot ng Santo Papa ang patuloy na mga limitasyon sa paggunita sa mahahalagang araw sa buhay ng Panginoong Hesukristo bunsod ng coronavirus pandemic.
“We pray that those restrictions, as well as all restrictions on freedom of worship and religion worldwide, may be lifted and everyone be allowed to pray and praise God freely,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Sa Pilipinas unang kinatigan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang sampung porsyentong kapasidad ng mananampalataya sa mga simbahan sa paggunita ng semana santa.
Subalit bago ang easter triduum, ipinatupad ng pamahalaan ang pinakamahigpit na panuntunan na enhance community quarantine kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mass gatherings kabilang na ang mga gawaing simbahan.
Muling isinagawa sa bansa ang online livestream ng mga gawain nitong semana santa kabilang na ang Radio Veritas na naghatid ng iba’t ibang religious activities ng mga simbahan.
Dalangin ni Pope Francis na payagang muli ang mananampalataya na malayang makapag puri at makapagpasalamat sa Diyos sa mga bahay dalanginan sa buong daigdig.