26,478 total views
Isinusulong ng Economy of Francesco (EOF) – Women for Economic Village ang pagkakaroon ng mga kababaihang kinatawan sa larangan ng ekonomiya at Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM.
Ayon sa EOF, ito ay upang magkaroon ng diversity o mahalagang pakikilahok ang mga kababaihan sa dalawang larangan upang maibahagi ang kanilang mga ekspertong pananaw at pag-aaral.
Nakakatulong din ito upang maging inspirasyon at ipakita sa mga kabataang mag-aaral na makakamit din nila ang tagumpay ng mga iniidolong dalubhasa.
“Equal female in STEM is crucial, diversity for innovation and different perspective and experiences contribute to more creative and more effective solutions, to introduce STEM topics to girls, first of all I think that Early Exposure is the most important things and for this the partnership with schools is very important and as a 2nd point, I believe in the STEM field, it is essential to highlight female role models to inspire girls to excel in this area.” ayon sa mensahe ng EOF Member na si Marta Ceccotti na isang Learning at Develpoment Manager sa STEM.
Kinilala rin ng EOF na bagamat mahirap tugunan ang STEM gender gap ay nararapat na mabigyang katuparan ang pangarap ng mga kababaihan na makaambag sa pagbabago ng “technological future”.
“Addressing the STEM Gender gap, it’s not just about closing a statistical disparity, it’s about fullfulling the dreams and aspirations of young women eager to contribute to shape our technological future.”pahayag ng EOF movement
Sa paggunita ng International Day of Women and Girls in Science, nanindigan si EOF member Maria Rita Fiasco, Cecotti, Fiasco kasama si Danielle Mounsef – Water Supply Consultant ng World Bank at Alessandra Palazzo na malaki ang maii-ambag ng mga kababaihan sa larangan ng STEM.