1,830 total views
Kapanalig, ang poverty alleviation ay isang gawaing napakahirap gawin dahil sanga sanga at konektado ang mga salik na nagpapalubha sa sitwasyon ng maraming maralitang Pilipino.
Kadalasan, edukasyon at trabaho ang mga pangunahing factors o salik na binibigyang tugon, ngunit dahil ang mga ito ay apektado rin ng mga eksternal na kondisyon, ang mga pangkaraniwang tugon ng pamahalaan ay laging nakikitang kulang.
Una, sa trabaho. Sa ngayon, bumababa ang unemployment rate sa ating bansa. Noong Abril 2016, bahagyang bumaba sa 6.1% ang unemployment rate sa bansa, kumpara sa 6.4% noong Abril 2015. Nangangahulugan ito na mga 22.6 million na Filipinos ang wala pa ring trabaho.
Kapanalig, ang trabaho ang may agarang epekto sa pagnanais ng maraming Pilipino na magkaroon ng trabaho. Tumaas man ang bilang ng may trabaho, kailangan pa rin masiguro na de-kalidad at akma ang trabaho sa pangangailangan ng Pilipino. Sa ngayon, habang unti-unting bumababa ang unemployment rate, tumaas naman ang underemployment rate, o ang antas o bilang ng mga tao na nagtatrabaho na ngunit nais o kailangan pa ng dagdag na oras ng trabaho. Nasa 18.4% ito noong April 2016, mas mataas pa sa target na 17% lamang. Mga 7.3 million ang mamamayang Pilipino ang underemployed ngayon, at karamihan sa kanila ay nasa agriculture at services sector.
Ang edukasyon naman, kapanalig, ay isa namang paraan upang masiguro rin ang employability ng mamamayan sa darating na panahon. Maraming reporma na nailunsad sa sektor na ito, at ang epekto nito ay hindi man immediate o agaran para sa pangkaraniwang Pilipino, garantisado naman, na kapag nakapag-aral ang isang mamamayan, mabibigyan siya ng kaalaman at skills upang mas maayos na makipagsapalaran sa buhay. Kailangan lamang na masiguro na nasa eskwelahan ang kabataan, lalo na pagtapos ng high school kung saan marami ng kabataan ang hindi na nakakatuntong ng kolehiyo dahil hindi na libre ang tertiary education, kumpara sa sekondarya at elementarya, kung saan may maraming mga pampublikong institusyon. Kaya nga’t ang vocational skills ay naging tulay ngayon ng maraming kabataan tungo sa kanilang mga trabahong inaasam. Itong mga nakalipas na taon, tumaas ang enrollment sa technical-vocational education and training (TVET) ng TESDA. 13% ang tinaas mula 2011 to 2012 at 7% noong 2012 to 2013. Ang graduates nito ay tumaas ng 17% noong 2011 hanggang 2012, at 9% noong 2012 to 2013.
Ang ekternsal na kondisyon o positive business climate na mag-hahalina ng mga mamumuhunan ang kailangan naman upang marami pang magbukas na trabaho para sa mamamayang Pilipino. Dito, kailangan ng mas agaran at mas tutok na atensyon ng ating pamahalaan. Ang mga polisiya nito ay dapat mas magpapalakas ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, hindi takot at paninindak, na mga “deterrent” o hadlang sa isang good business climate.
Dito, may mga gabay ang Panlipunang Turo ng Simbahan na maaring makatulong sa ating Estado upang mas mapalawig ang mga positibong pagbabago sa ating lipunan. Ayon sa Pacem in Terris, “State activity in the economic field, no matter what its breadth or depth may be, ought not to be exercised in such a way as to curtail an individual’s freedom of personal initiative.