205 total views
Maaring gamiting ebidensya laban sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-amin nito ng kasalanan sa ‘Extra Judicial Killings’ na nagaganap sa bansa dulot ng kanyang war against drug campaign.
Ito ang inihayag ng dating mambababatas na si Atty. Neri Colmenares at kasalukuyang din counsel ng pamilya ng mga biktima ng EJK sa kasong isinimute sa International Criminal Court.
Ayon pa kay Colmenares, inihahanda na rin nila ang pagsusumite ng pag-amin ng Pangulo bilang ebidensya sa pandaigdigang hukuman.
“We are now preparing… para i-submit ang proof ng Admission na ‘yan ni President Duterte,” ayon kay Colmenares.
Naniniwala din si Colmenares na hindi sapat ang pagpapasinungaling ng mga miyembro ng gabinete para ipagtanggol ang Pangulo sa binitawan nitong pahayag.
“In any case that is their defense. Kasi under the rules of court admissible as evidence yung public statement nya. Rule 130, section 26 ng Rules of Court ng Pilipinas any admission by a party to the case for example should be admissible in court,” paliwanag pa ni Colmenares.
Noong nakalipas na buwan nang magsumite ng reklamo sa ICC ang pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings sa kampanya kontra droga ng administrasyon.
Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) higit sa 20 libo na ang bilang ng mga napapaslang.
Buwan ng Hulyo nang isagawa ng mga Simbahan sa Pilipinas ang ‘Day of Mourning and Reparation’ dahil sa mga pagpaslang na naghihikayat sa bawat isa na magdasal at magsisi para sa paghilom ng bayan dahil sa dami nang insidente ng pagpatay.