220 total views
Malaking hamon sa pagtatapos ng Taon ng mga Pari at Relihiyoso ang mga pambabatikos na nararanasan ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Simbahan ng kawalang habag na pang-aatake lalo na’t ito’y nagmula sa pinakamataas na opisyal ng bansa.
“This is indeed a very challenging year end for the clergy, for the Church. The Philippine Church has never been under a blatant, cruel attack such as this,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Binigyang diin ng Obispo na ang nagdaang taon ng mga pastol ng Simbahan sa Pilipinas ay nagpapatibay at patuloy nagpapakita ng sigasig sa paglilingkod sa Diyos at sambayanan sa kabila ng mga batikos sa kanilang hanay.
“The priests have proven their worth have shown their commitment to God and compassion to their flock. That year of the clergy will be known for the courage, for their self-sacrifice; in contrast to this administration which is now being known as ‘kill, kill, kill,’ aside from fake news, abusive and offensive words they and he spread and utter,” dagdag ng Obispo.
Ang pahayag ni Bishop Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ay kaugnay na rin sa sunod-sunod na pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pananampalatayang Katoliko at sa mga lingkod ng Simbahan.
Una ng tinawag ng pangulo na istupido ang Panginoon, ang alegasyon laban kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na sangkot sa katiwalian at sa iligal na droga, ang paghimok sa mamamayan na huwag dumalo sa mga Misa, ang pahayag na patayin ang mga Obispo na pumupuna sa kanyang pamamalakad, at pagbatikos sa mga manunulat sa bibliya.
Ayon kay Bishop Santos darating ang panahon na mananagot ang Pangulo sa kawalang paggalang sa Panginoon at sa kapwa tao.
“There will be a time of reckoning. The Lord Himself said ‘vengeance is mine, I will repay’ (Romans 12, 19). His wrath against ungodliness and unrighteousness is most certain. God cannot and must not be mocked. “
Bukod dito ay nanindigan din ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na dapat magkaisa ang mananampalataya lalo na sa pagdalo sa mga Banal na Misa upang ipakita ang pakikiisa sa Diyos at sa mga lingkod nito.
PANAWAGAN SA MGA KABATAAN
Hinikayat naman ng obispo ang mga na huwag matakot sa mga nang-aalipusta sa Panginoon at sa pananampalatayang Katoliko sa halip ay tumayo at manindigan upang labanan ang masasamang indibidwal.
“We urge the young people not to be afraid even our highest government officials are morally corrupt,” ani ni Bishop Santos.
Ang apela ay kaugnay na rin sa pagdiriwang ng Taon ng mga Kabataan sa Pilipinas bilang paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa.
Paalala pa nito na dapat manatiling tapat ang mga kabataan sa mga katuruan ng Simbahan at aktibong makibahagi sa pagpapalaganap nito sa buong sambayanan.
“Young people remain faithful to your Catholic Faith even if they are maligning our Catholic Church and be fruitful as you live teachings of our Lord Jesus and of our Catholic Church,” ayon pa sa obispo.