337 total views
Umapela ang Legal Network for Truthful Elections o LENTE sa pamahalaan na higit pang pag-ibayuhin ang Anti-COVID-19 vaccination roll-out program sa bansa bilang paghahanda na rin nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Ito ang bahagi ng pahayag ng LENTE kasunod ng naging privileged speech ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri kaugnay sa resulta ng Pulse Asia’s Ulat ng Bayan survey kung saan lumabas na 46% ng mga botante ang maaring hindi makibahagi sa nakatakdang halalan dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos, mahalagang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety health protocol lalo na sa nakatakdang halalan upang hindi isantabi ng bawat mamamayan ang kanilang natatanging karapatan at kapangyarihan ng maghalal ng mga opisyal ng bayan.
“Accelerated and more efficient vaccination roll-out and implementation of election health protocols can address the fear of voters contracting COVID-19 while participating in electoral activities. These can also bolster the assurance given to every citizen wanting to exercise their right to vote that it can be done without heightened risk to health.” pahayag ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos.
Ipinaliwanag ni Atty. Caritos na sa halip na isulong ang pagpapaliban ng nakatakdang halalan dahil sa banta ng COVID-19 ay mas dapat na tutukan ng pamahalaan ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng higit na pagpapaigting ng mga safety health protocol sa pagsasagawa ng halalan.
“LENTE believes that the discourse should be shifted from pitting safety and health against democracy to laying down strategies and plans for the purpose of conducting electoral activities with the least amount of risk of local transmission. We have time to plan, put rules in place, and implement measures.” Dagdag pa ni Atty. Caritos.
Partikular ding tinukoy ng LENTE ang naging ligtas at matagumpay na pagsasagawa ng Commission on Election ng plebesito sa Palawan noong Marso ng kasalukuyang taong 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan 60% ang voter turn-out sa mga mamamayan na maaaring maging batayan ng mga dapat na ipatupad na safety health protocol sa nakatakdang halalan.
“COMELEC conducted an electoral exercise last March 2021 during the Palawan Plebiscite. During the plebiscite, safety protocols were implemented and all stakeholders were mandated to comply. The 60% voter turn-out for this plebiscite exceeded the Commission’s projections.” Ayon pa kay Atty. Caritos.
Iginiit ng LENTE na may sapat pang panahon ang COMELEC at ang pamahalaan upang matugunan ang pangamba ng taumbayan sa pakikibahagi sa nakatakdang halalan maging sa gitna ng panahon ng pandemya.
Binigyang diin naman ni Atty. Caritos na hindi lamang tungkulin ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng lahat mula sa patuloy na banta ng COVID-19 virus.(