2,737 total views
Ikinagalak ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na tiwala at suporta ng mga miyembro sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga programang inilunsad.
Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Eduardo del Rosario matapos maitala ang 63-bilyong pisong savings ng mga kasapi.
Paliwanag ng opisyal patunay na ito na nanatiling matatag ang ahensya sa kabila ng matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya at kabuhayan ng mga miyembro.
“This shows their significant trust that Pag-IBIG Fund shall manage their savings prudently. And, with more funds, Pag-IBIG is in a better position to finance its programs to help more members in the coming months, as we continue to contribute to the recovery of the whole nation,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.
Ayon sa Pag-IBIG Fund ito na ang pinakamataas na naitalang savings sa kasaysayan kung saan umaabot sa 32 porsyento ang pagtaas kumpara sa 48.18 bilyong pisong koleksyon noong 2020.
Sa hiwalay na pahayag ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti ibinahagi nitong nakatulong din ang Modified Pag-IBIG 2 or MP2 voluntary savings program ng ahensya sa paglago ng total collections lalo’t marami sa mga miyembro ang naglagak ng kanilang ipon sa programa.
Tumaas ng halos 100 porsyento ang nakolekta mula sa MP2 mula sa P13.29-billion noong 2020 umaabot na ito sa P25.95-billion nitong 2021.
Pinasalamatan ni Moti ang Pag-IBIG Fund members sa pakikiisa sa MP program at malugod na ipinabatid na sa lalong madaling panahon ay ianunsyo ng ahensya ang pamamahagi ng divedendo mula sa regular savings at MP@ programs.
“We will make the announcement within the quarter, following the approval from our Board. With our strong performance and robust fiscal standing, I am optimistic that our dividends will still be higher than most instruments available in the market,” ani Moti.