411 total views
Nanatiling matatag ang Pag-IBIG Fund para pondohan ang iba’t ibang programa ng institusyon.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino L. Acuzar, muling naitala ang mataas na koleksyon ng ahensya mula sa mga miyembro sa pagitan ng Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.
“With more funds, Pag-IBIG remains in a strong position to finance its programs, particularly its home loans, while keeping interest rates on its loans low,” ayon kay Acuzar.
Batay sa datos ng Pag-IBIG Fund umabot sa 66.66-billion pesos ang naipong kontribusyon ng mga miyembro sa loob ng sampung buwan mas mataas ng 27-porsyento kumpara sa 63.67-billion pesos noong nakalipas na taon.
Bukod dito naitala rin ang 57-porsyentong pagtaas sa voluntary savings program ng Pag-IBIG Fund na Modified Pag-IBIG 2 or MP2 Savings na umabot sa 33.72-billion pesos.
Sinabi ni Acuzar na patunay lamang itong tiwala ang mga miyembro sa institusyon para pangasiwaan ang kanilang kontribusyon.
Tiniyak naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta sa mga kasapi ang patuloy na pagbibigay ng magandang serbisyong kapaki-pakinabang sa mamamayan alinsunod sa panawagan ng admnistrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kalingain ang pangangailangan ng bawat Pilipino.
“We assure our members that we are doing all that we can to provide them the best return rates on every hard-earned peso they have saved with us. That is our way of providing them Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso,” ani Acosta.
Nakikiisa ang simbahang katolika sa pamahalaan sa pagsusulong at pagpapatupad ng mga programang mapakinabangan ng mga Pilipino lalo na ang mahihina at maralitang sektor ng lipunan kabilang na ang serbisyong magbibigay ng tahanang masisilungan ng bawat pamilya.