4,125 total views
Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na paglago ng ahensya sa 3rd Quarter ng 2024.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, umabot sa 1-trillion pesos ang assets ng ahensya noong Agosto na tanda ng patuloy na pagdami ng mga miyembro at kanilang pagtitiwala.
“Our accomplishments this year underscore our dedication to serving the financial needs of Filipinos across the country,” ayon sa mensahe ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta.
Iniulat din ng ahensya na simula noong Enero hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 2.5-million ang mga miyembrong natutulungan sa pamamagitan ng mga Multi-Purpose Loans at iba pang financing program ng ahensya.
Umabot narin sa kasalukuyan sa 61-597 na mga housing loans application na naaprubahan ng Ahensya na katumbas ng 88.17-billion pesos para sa mga Pilipinong nangarap magkaroon ng sariling tahanan.
Kaugnay nito, nakalinya naman ang adbokasiya ng Pag-IBIG Fund sa panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga financial institutions sa buong mundo na palawigin pa ang lawak ng mga natutulungang indibidwal tungo sa sama-samang pag-unlad.