236 total views
Ang kagandahan ng kapaskuhan ay ang pananahan ng Diyos sa bawat tao.
Ito ang Christmas message ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa mga mananampalataya sa panayam ng Radyo Veritas.
Ayon kay Archbishop Caccia, nalalaman ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng katesismo ang pagiging kaisa ng Panginoong Hesukristo sa mga tao.
Inihayag ng Apostolic Nuncio na ang kapanganakan ng sanggol na si Hesus ang nagpatunay at nagpadama na siya ay maaaring maging kasama, kaibigan, kalakbay at tagapagligtas ng mga mananampalataya.
“The beauty of Christmas is that God is with us this is something which we know by our catechism but each one should experience in His birth in life, the truth that really Jesus is with us and we can count on Him as a redeemer as a friend, as a companion in our journey.” Pahayag ni Abp. Caccia sa Radyo Veritas
Dahil dito, hinimok ni Archbishop Caccia ang mga mananampalataya na alayan ng pag-ibig at pasasalamat ang batang si Hesus na isinilang sa sabsaban.