234 total views
Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na ang pagmamahal sa isang tao ay nangangahulugan ng pagiging matapat at totoo.
Sa pagninilay ng obispo sa nalalapit na Araw ng mga Puso sa ika -14 ng Pebrero, pinaalalahanan nito ang bawat isa na mas mahalagang ipakita at ipadama ang pagmamahal sa kaysa sasabihin lamang ito sa taong iniibig.
“The sincerity of our love is made visible by our faithfulness; to show one’s love is to provide what is best, beneficial for beloved,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Paliwanag ng obispo ang pagsabi ng ‘I love you’ ay nangangahulugang pananatili lalu’t higit sa taong minamahal na nakahandang dumamay sa bawat pagsubok at hamong kinakaharap ng bawat isa.
Ayon pa kay Bishop Santos ang pagmamahal din ay mahalagang sangkap sa pagsasama ng mga mag-asawa na dapat pag-alabin.
“We love. We are loved. How do show our love? It is to protect whom we love, not to hurt; not to betray and nor abandon,” saad ng obispo.
Batay sa kasaysayan nagsimula ang pagdiriwang ng Valentines Day noong taong 496 sa isang kaugalian ng Roma na kilalang Lupercalia tuwing kalagitnaan ng Pebrero o pagsisimula ng springtime.
Nais ng simbahan noon na gawin itong bahagi ng pagdiriwang ng mga Kristiyano sa paggunita kay St. Valentine, ang patron ng pag-ibig at masayang pagsasama ng mag-asawa.
Sa dokumento ng Kanyang Kabanalan Francisco na The Joy of Love (Amoris Laetitia) kinilala nito si St. Valentine bilang pagkakataon na pagyabungin ang relihiyosong tradisyon tuwing Valentines Day kung saan hinimok nito ang mag-asawa na lumago sa pag-ibig at hubugin ang mga anak tungo sa mas maayos na pag-aasawa sa mga susunod na panahon.
Umaasa si Bishop Santos na ang bawat isa ay lumago sa pag-ibig at maging mabunga sa kanilang pasasama.
“Yes, speak always your love. But much more show your love with our efforts to their lives safe and successful; their future at peace and fruitful,” giit pa ni Bishop Santos.