25,361 total views
Natanggap ng Pag-IBIG Fund ang ginintuang parangal sa ginanap na International Business o Stevie Awards sa Rome, Italy.
Tinanggap ito nina Pag-IBIG Fund Home Lending Operations Deputy Chief Executive Officer Benjamin R. Felix, Jr., kasama sina IT Infrastructure Department Manager III Arlene M. Chu at Computer Operations and Support Group Vice President Teresa M. Manabat.
Ang Stevie Awards ang nangungunang business awards sa buong mundo kung saan kabilang sa mga programa nito ang International Business na bukas sa lahat ng organisasyon sa buong mundo upang parangalan ang mga tagumpay sa lahat ng aspeto ng paggawa.
Nakikiisa naman ang simbahang katolika sa pamahalaan sa pagsusulong at pagpapatupad ng mga programang mapapakinabangan ng mga Pilipino lalo na ang mahihina at maralitang sektor ng lipunan.