161 total views
Dismayado ang dating economic czar sa hindi pagsama sa agenda ng mga economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapababa ng singil sa kuryente.
Ayon kay Butch Valdes, isa sa pangunahing dahilan ng kahirapan sa bansa ay ang mataas na singil sa kuryente dahil hawak ito ng pribadong sektor.
“What is disappointing in the whole economic program they have. They have discussed the energy as a critical issue. And yet energy I think is the linchpin of what is causing a lot of poverty. If this government is serious about addressing poverty the first thing they should do is review the laws that have privatized the whole energy sector,” pahayag ni Valdes sa panayam ng Veritas Patrol.
Nanawagan din si Valdez sa bagong pamunuan na pag–aralan ang kakulangan ng Electric Power Industry Reform Act o (EPIRA) na protektahan ang publiko sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente.
Sa ngayon, nagtatamasa ang mga power producers sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente habang pasan-pasan naman ng taong bayan ang hirap sa dagdag gastos kada buwan.
“Yung EPIRA Law has to be reviewed, revised or even repealed because it is what has caused tremendous increases in electricity which is the basis for the increasing the prices of all aspects of life; food, medicine, even water, even transportation, and so on and so forth. Kapag tumataas ang lahat ng presyo ng mga bilihin dahil sa kuryente ay talagang lalawak ang poverty,” giit pa ni Valdes sa Radyo Veritas.
Batay naman sa mga datos, ikalawang pinakamahal maningil ng kuryente ang Pilipinas sa buong Asya.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika kinakailangan na ikunsidera ang taumbayan sa anumang paggalaw ng presyo sa pangunahing bilihin at serbisyo.