394 total views
Kahiya-hiya para sa mga Filipino ang pag-uugali na ipinakita Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na pagmamaltrato sa kapwa Pinoy.
Ito ang binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pangmaltrato ni Mauro sa kasambahay sa embahada ng Pilipinas sa Brazil.
“Not only unbecoming of a public servant but also a very shameful actions of a government official. Unworthy to represent and affront to our true nature of hospitable, helpful and honest people,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Igniit ng opisyal ng migrant’s ministry na nararapat lamang tulungan ng pamahalaan ang minaltratong kasambahay upang makamit ang katarungan.
Ikinalungkot ni Bishop Santos ang pangmamaltrato ni Mauro sa kapwa Filipino lalo’t ito ang inaasahang malapitan ng mga inaaping O-F-W sa naturang bansa.
Tiniyak ng obispo na handa ang simbahang makipagtulungan sa anumang ahensya ng pamahalaan sa pagtataguyod ng karapatan ng mahigit sampung milyong migranteng Filipino sa iba’t ibang panig ng daigdig.
“We always do everything for the protection and promotions of the rights and dignity of migrants, and yet we have our own connational and in government office who violates and abuse our own people,” dagdag pa ni Bishop Santos.
Matapos kumalat ang kontrobersyal na video ng pangmaltrato, agad na ipinag-utos ng Department of Foreign Affairs ang pagpauwi kay Mauro upang harapin ang imbestigasyon.
2018 nang italaga si Mauro bilang kinatawan sa embahada ng Pilipinas sa Brazil kung saan kabilang sa kanyang nasasakupan ang Colombia, Guyana, Suriname at Venezuela.