Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 631 total views

Homiliya para sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, Ika-5 ng Marso 2023, Mateo 17:1-9

Dalawang bagay ang hindi gaanong napapansin ng nagbabasa o nakikinig sa kuwento ng Transfiguration sa ebanghelyo natin ngayon. Una, na may kausap si Hesus habang nagbabago ang kanyang anyo. Pangalawa, hindi lang sumasabat and mga alagad sa pag-uusap nina Hesus, Moises at Elias; pinipiglan nila ito. Kaya nasabi nila,“Ipagtatayo namin kayo ng tatlong tolda; tig-iisa kayo.” Paano sila mag-uusap? Dapat sana sinabi nila, “Ipagtatayo namin kayo ng isang tolda (hindi tatlo), para maipagpatuloy ninyo ang inyong pag-uusap.”

Sa tingin ko, ang talagang kausap ni Hesus ay ang kanyang Ama. Ibig sabihin, nananalangin siya. Mas malinaw ito sa version ni San Lukas—umakyat daw siya sa bundok para magdasal, pero isinama ang tatlong alagad, sina Peter, James at John. Sina Moises at Elias ay kumakatawan lamang sa Bibliya o Salita ng Diyos para sa mga Hudyo. Si Moises ang sagisag ng Aklat ng mga Batas, at si Elias naman ng Aklat ng mga Propeta. Sa madaling salita nananalangin si Hesus habang pinagninilayan niya ang mga Batas at Propeta.

Sa isang banda, tumutulong o nagsisilbing daan sina Moises at Elias sa pakikipag-usap ni Hesus sa Ama, sa pananalangin niya. Sa kabilang banda, sumasabat ang mga alagad, pumipigil sa pag-uusap ng Ama at Anak.

Madalas nating marinig sa mga ebanghelyo na may mga sandali na iniiwan ni Hesus ang mga alagad niya. Bumubukod daw siya o humihiwalay para makapag-isa at manalangin. Pero kung minsan, isinasama niya ang ilan sa mga alagad niya. Bakit? Para turuan sila tungkol sa panalangin bilang pakikipag-usap sa Diyos.

May kuwento nga si San Lukas sa Luk 11:1, Minsan, kusang lumapit daw ang mga alagad at nakiusap na turuan daw sila ng Panginoon kung paano magdasal. Siguro kapag humihiwalay siya, binabatyawan siya ng mga alagad. Ramdam siguro nila na may magandang nangyayari sa kanya kapag nagdarasal siya.

Tulad ng madalas mangyari, hindi laging naiintindihan ng mga alagad ang mga turo ni Hesus. Bakit sila ipagtatayo ng tatlong tolda? Para mapag-isa siya. Mabuti ang intensyon pero mali. Ayaw nilang maistorbo nina Moises at Elias si Hesus, pero silang mga alagad, sila mismo ang nagiging istorbo sa pag-uusap.

Para bang ang tolda ay ginawa nilang simbolo ng pag-iisa imbes na pakikipagkaisa. Ganyan din ang nauuso ngayon tungkol sa modernong konsepto ng pagtatayo ng tahanan, hindi ba? Iisang bahay, pero kanya-kanyang kuwarto. Wala namang masama sa pagkakaroon ng privacy ng mga miyembro ng isang pamilya. Ang hindi maganda ay kapag nagkanya-kanya na rin ng panood ng TV, kanya-kanyang kain, kanya-kanyang lakad, wala nang pagsasalo, wala nang pagkukuwentuhan, wala nang pagkakataon para sa sama-samang gawain. Walang pamilyang mabubuo kapag ganyan. Nauuwi sa pag-iisa, hindi pagkakaisa.

Isipin ninyo, e kung sabihin ng iba, bakit pa ako magsimba, di ba mas magandang magdasal na lang na mag-isa? Ang nakikipagkaisa sa Diyos sa panalangin ay sabay na natututo rin na makipagkaisa sa bayan ng Diyos sa pagsamba. Hindi tama na iugnay ang panalangin sa pag-iisa kahit nakatutulong ang pag-iisa sa pakikipagkaisa sa Diyos.

Tingnan naman natin ang papel nina Moises at Elias bilang sagisag ng Salita ng Diyos sa Bibliya, sa aklat ng mga Batas at Propeta. Kumbaga sa pag-uusap, sila ang nagbibigay ng mga salita, ng bokabularyo at gramatika sa espiritwal na pag-uusap. Sa kuwento ng Pentekostes, gawain ito ng Espiritu Santo, binibigyan tayo ng “dilang apoy”upang makausap natin ang Diyos at maunawaan natin ang isa’t isa.

Sa Bibliya, ang dalawang karakter na ito—sina Moises at Elias, ay nakaranas din ng pagbabagong anyo sa gitna ng pakikipag-usap sa Diyos. Sa Exod 34:29, sabi ng awtor, “Nang bumaba si Moises mula sa bundok dala ang dalawang tapyas ng batong pinagsulatan ng Sampung utos, hindi niya namalayan na nagniningning ang kanyang balat sa mukha dahil sa pakikipag-usap sa Diyos.” Ganyan din kay Elias. Madilim ang mukha niya nang umakyat sa bundok para magsumbong sa Diyos. Depressed na depessed siya. Pero matapos na dumaan ang apoy, hangin at lindol, sa tahimik pag-ihip ng simoy ng hangin noon daw niya narinig ang tinig ng Diyos. At nanumbalik ang sigla niya sa pagiging propeta, hanggang sa tangayin siya sa langit ng isang karuwaheng nagliliyab sa pamamagitan ng isang buhawi. (2 Hari 2:11)

Kaya pala natakpan ng ulap ang mga alagad matapos na sumabat-sabat sa pakikipag-usap ni Hesus sa Ama. Napagsabihan tuloy sila ng Ama: “Ito ang Anak kong minamahal, pakinggan ninyo siya.” Napagsabihan sila tungkol sa dalawang importanteng sangkap ng pakikipag-usap: masusing pagmamasid, at mabuting pakikinig. Masdan, kilalanin, pakinggan. Masdang mabuti si Hesus at kilalanin sa kanya ang Anak ng Diyos. Pakinggan siyang mabuti upang marinig sa kanya ang tinig ng Ama. Kung sa mabisang pakikipag-usap, importanteng mga sangkap pagmamasid, pagkilala at pakikinig, ganoon din sa pakikipag-usap sa Diyos.

Kapag masyado kasi tayong abala at tuliro, para tayong si Martha sa kusina. Pinagbuksan mo na nga si Hesus ng bahay mo pero pinipigilan mo namang makipag-usap sa kapatid mo. Ang mamagitan imbes na pumigil sa magandang pag-uusap, bahagi rin ito ng aral tungkol sa pananalangin na nakapagbabagong-anyo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 24,164 total views

 24,164 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,820 total views

 38,820 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,935 total views

 48,935 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 58,512 total views

 58,512 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,501 total views

 78,501 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,209 total views

 7,209 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,339 total views

 9,339 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,338 total views

 9,338 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,340 total views

 9,340 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,336 total views

 9,336 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,208 total views

 10,208 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,410 total views

 12,410 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,443 total views

 12,443 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,797 total views

 13,797 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,893 total views

 14,893 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,101 total views

 19,101 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,820 total views

 14,820 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,189 total views

 16,189 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,451 total views

 16,451 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,144 total views

 25,144 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top