158 total views
Kaawa – awa pa rin ang lagay ng mga kontraktuwal na manggagawang magsasaka na itinuturing na pinaka – mahirap na sektor sa paggawa.
Ayon kay Malaybalay, Bukidnon Bishop Jose Araneta Cabantan, kahit na pinaiigting ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa end of contract ay marami pa rin sa kanilang rehiyon ang bilang ng mga magsasakang kontraktuwal na nagta – trabaho sa “agricultural plantation.”
Iginiit pa ni Bishop Cabantan na kahit na nakabawi na sila sa El Nino at naka – ani ng pagkain at mga produkto ay nanatili pa rin ang kakulangan sa input ng mga magsasaka.
“With regards to the contractual workers here in the province the situation remained the same. ENDO which they are trying to curved in our government they have not done helping them concretely. Like for instance most of our farmers are contractual workers in agricultural plantations the situation remains the same, the salaries, there a lot employed in agencies, they are not really employed in their company, they are contractual workers in the different agencies,” giit pa ni Bishop Cabantan sa Radyo Veritas.
Sinabi pa ni Bishop Cabantan na kailangan munang suriin ng SWS o Social Weather Stations ang tunay na kalagayan ng mga nasa “peripheries” o laylayan ng lipunan.
“And with their situation its still the same, perhaps with food we have a plenty of food. I think with that kind of survey they have to validate it from the ground,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cabantan sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na mula sa inilabas na pag – aaral ng SWS bumaba ng isang porsyento ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap. Ayon sa resulta ng survey ng SWS o Social Weather Stations, 42 porsyento o tinatayang 9.4 million Pinoy families ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahirap. Sinabi ng SWS na ang nasabing September 2016 survey ay maituturing na fresh record low mula sa 43% mula March 2010 at March 1987.
Ang naturang survey ay isinagawa mula September 24 hanggang 27 sa 1, 200 respondents. Nauna na ring nag – alay ng monthly prayer intention ang kanyang Kabanalan Francisco sa mga mga magsasaka na maituturing niyang bumubuhay sa lipunan.