1,294 total views
Tiniyak ng National Economic Development Authority ang patuloy na pangunguna sa mga inisyatibong ibaba ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ito ay matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang muling pagbaba ng inflation rate na umabot sa 5.4% nong Hunyo kumpara sa 6.1% naunang buwan ng Mayo.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, layunin ng pamahalaan na maprotektahan ang purchasing power ng mga Pilipino upang ang bawat isa ay magkaroon ng kakayahan na mabili ang kanilang pangunahing pangangailangan.
“Meanwhile, the Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook will continue to take proactive steps to address the main causes of inflation, this is particularly important considering the impending El Niño, which poses risks to food supply and prices,” ayon sa mensahe ni Balisacan na ipinadala ng NEDA sa Radio Veritas.
Inaasahan din ni Balisacan na sa tulong ng Food Stamp Program na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ay makakamit ng mga pinakamahihirap na pamilya ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain.
Unang nananawagan si Father Anton CT Pascual – Executive director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas na isulong ang pagkakaisa sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan upang higit pang mapababa ang inflation rate na dapat ay umaabot lamang sa dalawa hanggang apat na porsyento.