11,591 total views
Nagsisimula sa tamang pagboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang mga pangmalawakang pagbabago tungo sa pag-unlad na inaasam ng bawat Pilipino.
Ito ang mensahe ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa mga student at educator na nakatakdang bumoto sa BSKE 2023 sa ika-30 ng Oktubre.
Ayon sa CEAP, katulad ng naging mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco na pakikibahagi sa pulitika, responsibilidad ng bawat mamamayan na bumoto na mayroong maayos na pamantayan at pag-alam sa mga layunin at background ng mga kandidato.
‘Many politicians only sees us as ‘votes’ We are not merely voters, we are, in the first place, citizens. Our duty does not begin and end with the elections, the Holy Father Pope Francis asked us to meddle with politics, it must begin in the Baranggay, when Baranggay leaders and their constituents uphold the common good, the nation will consist of villages striving for social transformation,” ayon sa mensahe ni CEAP President Father Albert Delvo na ipinadala ng CEAP sa Radio Veritas.
Ipinaalala ni Delvo sa mga educator na magsilbing mabuting ehemplo sa kanilang mga tinuturuang kabataan sa pamamagitan ng pagtalima sa election laws.
Hinimok rin ng CEAP ang mamamayan na gamitin ang teknolohiya kung saan sa pamamagitan ng mga cellphones ay maaring i-ulat sa awtoridad o maging daluyan ng impormasyon upang isumbong ang mga maling gawain na maoobserbahan sa araw ng halalan.
‘The 2023 Baranggay and Sangguniang Kabataan Election presents an opportune moment to reinforce the connection between the Church and our local community, exemplified by initiatives like ‘Ugnayan ng bayan at Simbahan’ (UBAS), this collaboration between the community and the church holds immense importance for our nation’s future, with it effects reaching far beyond the election, as we approach this election, we must remain mindful of our faith, moral values, and resolute integrity,’ ayon pa sa mensahe ni Father Delvo.
Makalipas ang mahigit limang taon, itinakda ang BSKE kung saan aabot sa 42,027 na Baranggay ang makikibahagi sa halalan ngayong taon.