Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabagong-Buhay, Pagbabalik-loob sa Diyos

SHARE THE TRUTH

 512 total views

Lawiswis ng Salita,
Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni San Pablo Apostol
25 Enero 2017
Gawa ng mga Apostol 22:3-16//Marcos 16:15-18

Kahapon ating pinagnilayan ang katagang “kalooban ng Diyos” na maari lamang nating mabatid kapag tayo’y “pumaloob sa Kanyang kalooban”. Ngayong ating ipinagdiriwang ang “Kapistahan ng Pagbabagong-buhay ni San Pablo Apostol” o “Conversion of St. Paul,” ibig ko na palawigin pa ang pagninilay sa kalooban ng Diyos dahil malapit sa katagang ito ang isa pang salin ng salitang “conversion”, ang “pagbabalik-loob.” Bawat nagkakasala ay lumalayo mula sa Diyos; kapag siya ay nagsisi at tumalikod sa kasalanan, siya ay “nagbabalik-loob” sa Diyos. Bawat pagbabagong-buhay ay isang pagbabalik-loob sa Diyos na nagpapahayag ng tatlong katotohanan.

Una, bawat pagbabalik-loob ay isang personal na pagtawag at paanyaya mula sa Panginoong Jesus. Batay sa salaysay ni San Pablo, “Nasubasob ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig sa akin, ‘Saulo, Saulo!’”(Gawa 22:7) Araw-araw tayo inaanyayahan ni Jesus na magbalik-loob sa Kanya. Iyong mabatid lamang natin sa ating kalooban na mali ang ating ginagawa o kaya tayo ay kabahan at matakot sa isang masamang gawain, iyon na ang tinig ni Jesus na tumatawag sa atin katulad kay San Pablo. Huwag na nating hintayin pa ang isang “dramatic” o “bonggang” pagkakataon wika nga upang pakinggang ang tawag ng Panginoon katulad nang mahulog sa kanyang kabayo si San Pablo. Hindi ibig ng Diyos na sumadsad pa ang ating buhay sa kasamaan at mawala na ang lahat ng pagkakataong makabalik sa Kanya.

Ikalawa, madalas kapag tayo tinawag ng Diyos na magbalik-loob sa Kanya ay hindi kaagad maliwanag ang lahat sa atin kaya kailangan natin ng taga-akay: “Nabulag ako dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kaya’t ako’y inakay na lamang ng mga kasama ko papasok sa Damaso.” (Gawa 22:11) At hindi lamang basta taga-akay ang kailangan natin sa bawat pagbabalik-loob kungdi isang mahusay na gabay katulad ni Ananias na “isang taong may takot sa Diyos, tumutupad sa Kautusan, at iginagalang ng mga Judiong naninirahan sa Damasco.” (Gawa 22:12) Si Ananias ang ginamit ng Diyos upang mapagaling ang pagkabulag ni San Pablo at malahad sa kanya ang kalooban ng Diyos na mapalaganap ang Mabuting Balita. Makipagkita upang humingi ng payo sa mga pari o madre o isang maaring magpastol sa ating “spiritual journey.”

Ikatlo, bawat tawag sa pagbabalik-loob sa Diyos ay palaging paanyayang pumasok sa isang komunyon o kaisahan kay Jesus at Kanyang pamayanan o komunidad. Ito ang magandang bahagi ng pagtawag kay San Pablo: nagpakilala si Jesus bilang ang mga inuusig na Kristiyano. “Saulo, Saulo! Bakit mo ako pinag-uusig? Ako’y si Jesus na taga-Nazaret na iyong pinag-uusig.” (Gawa 22:7,8) Ang totoong pagbabagong-buhay o pagbabalik-loob ay yaong hindi lamang makita ang sarili kungdi makita ang kanyang kaisahan din kay Jesus at sa kapwa-tao. Walang kabuluhan ang ano mang pagpapakabuti ng sarili na nakahiwalay sa Diyos at sa kapwa. Hindi kabutihan kungdi kapalaluan ang walang ibang makita kungdi sarili.

Madaling sabihin ang mga bagay na ito at sadyang mahirap gawin. Subalit kung ating susuriin ang naging buhay ni San Pablo, hindi lamang minsan siyang nagbalik-loob sa Diyos. Isang mahabang proseso ang kanyang pinagdaanan sa kanyang pagbabagong-buhay at katulad natin marahil siya ma’y nagkakasala at umiibis mula sa Panginoon. Ang mahalaga ay ang patuloy niyang pagninilay at pananalangin, ang pagsisikap niyang “pumaloob sa Diyos” upang mabatid at maisakatuparan ang Kanyang Banal na Kalooban na “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita” (Mc.16:15). Mabuti ang Diyos, pumaloob tayo sa Kanya tuwina. Amen.
P. Nicanor F. Lalog II
Parokya ni San Juan Apostol at Ebanghelista
Gov. F. Halili Ave., Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 36,292 total views

 36,292 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 47,367 total views

 47,367 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 53,700 total views

 53,700 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 58,314 total views

 58,314 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 59,875 total views

 59,875 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Lord is my Chef
Veritas Team

Jesus the True Vine Giving Us Love As His Fruit

 10,187 total views

 10,187 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Easter -5B, 29 April 2018 Acts 9:26-31//1John 3:18-24//John 15:1-8 My former student recently posted on her Facebook a billboard saying, “GIVE ME COFFEE FOR THE THINGS I CAN CHANGE & TEQUILA FOR THOSE I CAN’T”. It is a funny take from “Serenity Prayer” that says, “Lord,

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Jesus the Good Shepherd: Leadership Based on Belonging than Authority

 10,178 total views

 10,178 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Easter -4B, 22 April 2018 Acts 4:8-12//1John 3:1-2//John 10:11-18 Something funny happened to me last week that almost spoiled my Good Shepherd Sunday today. I was at FullyBooked browsing on some new titles when something caught my attention that sent fears through my body. Did I

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Peace: the Gift of Easter

 10,158 total views

 10,158 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Easter -2B, 08 April 2018 Acts 4:32-35//1John 5:1-6//John 20:19-31 On this Second Sunday of Easter we are also celebrating the Feast of the Divine Mercy instituted by the great St. John Paul II 18 years ago as “a perennial invitation to the Christian world to face

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Lent Is “Seeing” Jesus

 10,216 total views

 10,216 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Lent V-B, 18 March 2018 Jeremiah 31:31-34//Hebrews 5:7-9//John 12:20-23             Sorry for failing to send you my weekly “recipes” these past two weeks.  Aside from problems with our internet connection and with my busy schedules, I have decided to be silent, and

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Life Is A Daily Lent of Ascent and Listening

 10,197 total views

 10,197 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe-Lent II, 25 February 2018 Genesis 22:1-2, 9, 10-13, 15-18//Romans 8:31-34//Mark 9:2-10 Last week we claimed life is a daily Lent characterized by the desert or wilderness. On this second week of Lent, we hear the story of the Transfiguration of Jesus Christ on Mt. Tabor. And

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Life Is A Daily Lent

 10,156 total views

 10,156 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe-Lent I, 18 February 2018 Genesis 9:8-15//1Peter 3:18-22//Mark 1:12-15 Life is a daily Lent. Every day we have to make sacrifices as expression of our love for God and for others. Every day we have to open and turn our hearts to God because every day, we

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Getting Closer With Jesus Who Wishes to Be Closest with Us

 10,160 total views

 10,160 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week VI-B, 11 February 2018 Leviticus 13:1-2,44-46///1Corinthians 10:31-11:1///Mark 1:40-45 Perhaps due to the approaching Valentine’s day, I have been hearing “over and over” during prayers this week Roberta Flack’s 1978 hit with Donny Hathaway, “The closer I get to you/The more you make me see/ By

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

The Sto. Nino, the Prince of Peace

 10,240 total views

 10,240 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe Week 3-B, 21 January 2018 Isaiah 9:1-6///Ephesians 3:1-6,15-18///Mark 10:13-16 Our third Sunday celebration every January of the Sto. Nino is a special feast granted to us by Rome in recognition of our devotion to the Child Jesus. It is the second most popular Christ-devotion in the

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Beholding Jesus, Being Held by Jesus

 10,217 total views

 10,217 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe Week 2-B, 14 January 2018 1Samuel 3:3-10,19///1Corinthians 6:13-15,17-20///John 1:35-42 The month of January is from the name of the Roman god Janus, their god of beginnings and transitions as well as of gates and doorways. Janus is depicted as having two faces, one looking to the

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Advent: A Time to Look Inside, Outside, and Beyond

 10,161 total views

 10,161 total views The Lord Is My Chef Advent Sunday-1B Recipe, 03 December 2017 Isaiah 63:16-17;64:2-7//1Corinthians 1:3-9//Mark 13:33-37 Liturgically speaking, Christmas happens late this year with December 25 exactly falling on the Monday right after the Fourth Sunday of Advent. In our country where Christmas is celebrated longest in the whole world, I have noticed yesterday

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Jesus Is King Of the Little Ones

 10,170 total views

 10,170 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, 26 November 2017 Solemnity of Our Lord Jesus, King of the Universe Ezekiel 34:11-12,15-17//1Corinthians 15:20-26,28//Matthew 25:31-46 About 25 years ago when I was still covering the police and military-defense beat as a reporter for GMA News, we used to refer to the first PNP Director General

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Everything Matters

 10,163 total views

 10,163 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XXXIII-A, 19 November 2017 Proverbs 31:10-13,19-20,30-31//1Thessalonians 5:1-6//Matthew 25:14-30 “Walang kuwenta.” Literally speaking, it means “no summation” or simply nothing at all. It is one of the most common expressions of our elders before that is rarely heard these days. It is as old as “panahon

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

Being Foolish and Being Wise

 10,189 total views

 10,189 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XXXII-A, 12 November 2017 Wisdom 6:12-16//1Thessalonians 4:13-18//Matthew 25:1-13 We are now on the last three weeks of the liturgical year that ends on the 26th of the month, the Solemnity of Christ the King. For these last Sundays of the year, we shall hear the

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

When Title Is Nothing But A Tittle

 10,156 total views

 10,156 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XXXI-A, 05November2017 Malachi 1:14-2:2,8-10//1Thessalonians 2:7-9,13//Matthew 23:1-12 Two Sundays ago when Jesus began confronting the Pharisees and scribes in our gospel series, I used Pepsi Cola’s ad campaign “We are made by the choices we make,” linking it with the Lord’s teaching that we must always

Read More »
Lord is my Chef
Veritas Team

We Are Made By the Choices We Make

 8,395 total views

 8,395 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XXIX-A, 22 October 2017 Isaiah 45:1,4-6//1Thessalonians 1:1-5//Matthew 22:15-21 Thirty years ago Pepsi Cola came out with an ad campaign claiming “We are made by the choices we make” endorsed by celebrity couple Martin Nievera and Pops Fernandez. It is still the most “philosophical” ad campaign

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top