Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabakuna sa mga bulilit

SHARE THE TRUTH

 394 total views

Mga Kapanalig, nagsimula na noong isang linggo ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11. Dapat sana ay nagsimula ito noong ika-4 pa ng Pebrero ngunit kailangang ipagpaliban dahil hindi agad dumating sa bansa ang mga bakunang maaaring gamitin sa mga bata. Ang pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ay sinimulan sa anim na lugar sa Metro Manila at ilang lugar sa Central Luzon at Southern Luzon; nauna nang binakunahan ang mga batang edad 12 hanggang 17 taong gulang noong Oktubre ng nakaraang taon. Inuna ang mga batang may comorbidities o mga may medikal na kondisyong maaaring gawing mas lantad sila sa virus.

Ayon sa Department of Health (o DOH), na noon ay sinabing nakabatay ang kanilang plano sa pagbabakuna sa mga bata sa dami ng bakunang darating sa ating bansa, tinatayang babakunahan ang higit 15 milyong mga batang edad 5 hanggang 11. Dagdag pa ni vaccine czar Carlito Galvez, tinitiyak ng pamahalaan sa mga magulang na ligtas at pinag-aralang mabuti ang pagbabakuna sa mga bata. Matatandaang may pagdududa ang mga magulang kung epektibo at ligtas nga ba ang bakuna dahil sa kontrobersyang bumalot sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

Mahalagang hakbang ang pagbabakuna sa mga bata para sa tuluyang pagpapalawig ng pagbabakuna laban Covid-19 sa ating bansa at sa pagbibigay-proteksyon sa kanila lalo na ngayong plano nang buksan muli ang mga eskuwelahan. Mahalaga rin ito dahil ayon sa DOH, mahigit kalahati ng mga kaso ng mga batang tinamaan ng Covid-19 noong Setyembre 2021 ay 11 taong gulang pababa. Lalo pa itong umakyat sa halos 70% nitong Enero noong kasagsagan ng pag-akyat ng mga kaso ng mga nagpopositibo sa Omicron variant.

Kaakibat ng pagbabakuna sa mga bata ang pagbibigay ng sapat at tamang impormasyon sa mga magulang. Halimbawa, ang dosage at concentration ng bakuna ay mas mababa para sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang kumpara sa mga mas matatandang bata. Maaaring makampante ang mga magulang kung malalaman nila ito. Dapat ding maipaliwanag sa kanila ang halaga ng mga bakuna at ang mga maaaring asahang side effects nito sa mga bata upang makapagbigay sila ng tinatawag na informed consent. Hindi dapat alisan ng karapatan ang mga magulang na bigyang-proteksyon ang kanilang mga anak, kabilang ang pagbibigay ng kanilang pahintulot para sa isang bagay na buhay at kalusugan ng kanilang mga anak ang nakataya. Bago kasi magsimula ang pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang, naging usapin ang isyu ng consent o pagbibigay-pahintulot ng mga magulang. Isang petisyon ang inihain ng ilang magulang sa Quezon City Regional Trial Court upang pahintuin ang pagbabakuna sa mga bata dahil sa kanilang “right to consent… in behalf of their children.” Mariin nilang tinututulan ang naunang memorandum ng DOH na nagssabing sakaling tumanggi ang mga magulang na ibigay ang kanilang pahintulot na bakunahan ang kanilang anak, maaaring magbigay ng consent ang gobyerno bilang panghalili rito. Binago ng DOH ang patakarang ito at nilinaw din ng pamahalaan na “absolute requirement” ang consent mula sa mga magulang upang mabakunahan ang kanilang mga anak.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Francis, mayroon tayong kasaysayan ng magandang karanasan sa mga bakuna, kaya’t ituring nating kakampi ang mga ito. Ngunit dapat ding mapanatag ang mga magulang. Sabi nga sa 3 Juan 1:4, “Walang higit na makakapagpaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.” Makakamit ito sa tulong ng wastong impormasyon tungkol sa mga bakuna at kung titiyakin sa kanila ng pamahalaang ibayong pag-iingat ang ginawa nito sa pagpapatupad ng vaccination program para sa mga bata.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 50,279 total views

 50,279 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 61,354 total views

 61,354 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 67,687 total views

 67,687 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 72,301 total views

 72,301 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 73,862 total views

 73,862 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 50,280 total views

 50,280 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 61,355 total views

 61,355 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 67,688 total views

 67,688 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 72,302 total views

 72,302 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 73,863 total views

 73,863 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,564 total views

 44,564 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,225 total views

 67,225 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,801 total views

 72,801 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,282 total views

 78,282 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,395 total views

 89,395 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,394 total views

 85,394 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,096 total views

 73,096 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,578 total views

 81,578 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,637 total views

 74,637 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,561 total views

 81,561 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top