403 total views
Nagpahayag ng pagkabahala ang Promotion of Church People’s Response,isa sa mga kasaping grupo ng 1Sambayan sa posibilidad na muling makabalik sa kapangyarihan ang mga Duterte o Marcos partikular na sa Malacanang.
Dahil dito, binigyang diin ng mga grupo ang pagsusulong sa orihinal na misyon at layunin ng 1Sambayan na pagbuklurin ang mga tunay na oposisyon para sa nakatakdang halalan.
Ayon sa Promotion of Church People’s Response, mahalaga ring patuloy na maimulat ang kamalayan ng mga botante upang hindi na muling makabalik sa posisyon sa pamahalaan maging ang mga kaalyado sa pulitika ng pamilya Duterte at Marcos na kapwa malaking banta sa demokrasya at kaayusan ng bansa.
“We, member organizations of 1Sambayan, believe that the looming possibility of the perpetuation of Duterte’s incompetent and tyrannical rule, and the return to power of the Marcos dynasty, pose on 1Sambayan the responsibility to continue with its original mission of unifying non-administration candidates into a single slate, mobilizing the broadest range of forces, and inspiring voters to defeat the Duterte and Marcos candidates in 2022.” pahayag ng mga kasaping miyembro ng 1Sambayan.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mga kasaping grupo ng 1Sambayan kaugnay sa pagpili at pag-endorso kay Vice President Leni Robredo bilang kandidato sa pagkapangulo na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapahayag ng intensyon.
Bahagi ng pagkabahala ng mga kasaping grupo ng 1Sambayan ay ang maisantabi ang tunay na layunin ng kuwalisyon na mapag-isa ang lahat para sa kinabukasan ng bansa.
“It is in this spirit that we express serious concern that the selection and endorsement by 1Sambayan of any presidential candidate at this time is premature and will hinder rather than help in attaining this primary objective.” Dagdag pa ng mga kasaping grupo ng 1Sambayan.
Paliwanag ng grupo, mas naaangkop na magdesisyon ang 1Sambayan sa kung sino ang kandidato na iendorso matapos ang paghahain ng kandidatura upang higit na magkaroon ng mas malinaw na pagsusuri sa mga dapat na gawing hakbang upang maisakatuparan ang misyon ng kuwalisyon.
Sa ganitong paraan ayon sa Promotion of Church People’s Response at sa iba pang mga grupo ay mas mabibiyan rin ng pagkakataon si Vice President Robredo ng gampanan ang kanyang kasalukuyang tungkulin bilang bise presidente at lider ng oposisyon na mapagkaisa ang lahat laban sa banta ng pagbabalik ng mga Duterte at Marcos sa posisyon at kapangyarihan.
“We had expressed on occasion that it would be best for 1Sambayan to make a decision on the endorsement after the period of filing of certificates of candidacy. By then we would have a clearer picture of who are running. This would also allow all unification efforts, including VP Robredo’s, to proceed unhampered.” Ayon pa sa mga kasaping grupo ng 1Sambayan.
Layunin ng 1Sambayan na maisulong ang pagkakaisa ng iba’t-ibang mga grupo at sektor upang manindigan kung sino ang mga nararapat na mga opisyal na makabubuti para sa bayan.