2,114 total views
Suportado ng Nagkaisa Labor Coalition ang panukala na ibalik sa pamahalaan ang pamamahala sa enerhiya ng bansa.
Ito ang pahayag ni Nagkaisa chairperson Atty. Sonny Matula, kasabay ng mga insidente ng power interruption sa buong Luzon na ngayo’y nangyayari na rin sa Visayas.
Batid ni Matula na hindi lamang mga negosyo ang apektado ng power shortage sa bansa lalu higit ang mga manggagawa na mas dama ang epekto ng 20-40 porsyentong pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa tumataas na halaga ng gasolina.
Isinisi ni Matula ang suliranin sa pagpapahintulot na bilhin at kunin ng mga pribadong kumpanya ang public utilities tulad ng kuryente at tubig na mas nakadagdag sa pasanin at gastusin ng mamamayan.
“For several decades now, workers witnessed how public utilities handed over to private corporations led mainly to wealth transfers from public to private rather than to better and more affordable services. We see them in power, water, and even telcos whose private owners wallow in profit, even during the pandemic, while much of the public remain energy poor and lacking adequate water and telco services,” pahayag ni Matula.
Nananawagan naman si Matula sa mga mambabatas na nais tanggalin ang pamamahala ng China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na palawigin pa ang imbestigasyon at reporma sa mga lokal na kumpanya na may monopolyo sa sektor ng enerhiya.
Tinukoy ni Matula ang 15-year extension ng Malampaya gas-to-power project operations ng pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsusulong dapat ng national ownership.
“The same framework should be applied on the issue of Malampaya, which extended operations should have been restructured to promote national ownership, or socialization of its assets in favor of alternative utilization that would address both the country’s need for revenue as well as its planned transition to sustainable development,” saad ni Matula.
Unang sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na kasabay ng pagpapalawig sa kontrata para sa Malampaya project ay dapat manindigan pa rin ang pamahalaan sa pangakong paglipat at pamumuhunan sa renewable energy na nakikitang tugon sa krisis sa enerhiya at klima ng bansa.