861 total views
Nakataas ngayon ang Storm signal number 1 at 2 sa iba’t-ibang lalawigan dahil sa banta ng Tropical Storm Dante.
Batay sa huling update ng PAGASA, bagamat humina ay inaasahan na mag-landfall ang bagyo sa Eastern Samar ngayon gabi o bukas ng madaling araw taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagsubok na aabot naman sa 80 kilometro kada oras at kumikilos sa bilis na 25 kilometro kada oras sa direksyon pahilaga hilagang kanluran.
Kasalukuyan nang nagdudulot ng mga pagbaha ang nasabing bagyo sa ilang mga lalawigan sa Mindanao partikular na sa Davao region habang sa kasalukuyan ay nararanasan ang malakas na pag-ulan sa Leyte at Samar Province.
Ayon sa Social Action Director ng Diocese of Maasin na si Rev. Fr. Harlem Gozo, maraming lugar ang binaha sa kanilang nasasakupan dahil upang magsagawa na ng evacuation ang lokal na pamahalaan.
Ilan aniya sa kanilang mga parokya ang mayroon mga evacuees ngayon dahil sa lampas isang palapag na pagbaha.
Kaugnay nito, naka alerto na din ang iba’t-ibang mga Diyosesis sa Bicol Region at Visayas para sa posibleng pinsala na idulot ng bagyo.
“Super baha ngayon dito, ground floor flooded, Patuloy ang ulan sa parokya ko, sa Ichon, Macrohon, Southern Leyte meron nang mga evacuees.” Mensahe ni Fr. Gozo sa Radio Veritas.
Bagamat bahagyang humina ang bagyo ay nakataas ngayon ang Storm signal number 1 at 2 sa mga sumusunod na lugar;
TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS IN EFFECT
TCWS No. 2
LUZON
Catanduanes, Camarines Sur, southern portion of Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay, Daet, Basud, Mercedes), Masbate including Ticao and Burias Island, Albay and Sorsogon
VISAYAS
Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, and the northeastern portion of Leyte (Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City, Alangalang, Tunga, Santa Fe, Palo)
TCWS No. 1
LUZON
Rizal, Laguna, the southeastern portion of Batangas (Lobo, San Juan, Rosario, Taysan, City of Tanauan, Santo Tomas, Malvar, Lipa City, Padre Garcia, Ibaan, Batangas City, Balete, Mataasnakahoy, San Jose), Quezon including Polillo Islands, the rest of Camarines Norte, Marinduque, and Romblon
VISAYAS
The northeastern portion of Aklan (Lezo, Numancia, Banga, Kalibo, New Washington, Balete, Batan, Altavas, Makato, Tangalan), the northeastern portion of Capiz (Mambusao, Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panitan, Sigma, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar, Ma-Ayon, Dao, Cuartero), the northeastern portion of Iloilo (Sara, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles, Lemery, Ajuy, Concepcion), the northeastern portion of Negros Occidental (Manapla, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, City of Victorias, Calatrava), the northern portion of Cebu (Balamban, Asturias, Tuburan, Tabuelan, Sogod, San Remigio, City of Bogo, Borbon, Tabogon, Bantayan Islands, Daanbantayan, Medellin, Catmon, Danao City, Carmen, Compostela, Cebu City, Liloan, Consolacion, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Cordova), the northeastern potion of Bohol (Getafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, Ubay, San Miguel, Alicia, Buenavista, Mabini, Candijay, Anda, Inabanga, Guindulman, Dagohoy, Pilar, Danao, Pres. Carlos P. Garcia), the rest of Leyte and Southern Leyte
MINDANAO
Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands, Dinagat Island, the northern portion of Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago, Tubay, City of Cabadbaran, Magallanes, Remedios T. Romualdez, Butuan City), the northern portion of Agusan del Sur (Sibagat), and the northern portion of Surigao del Sur (San Miguel, Tago, City of Tandag, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal)
Patuloy na pinaalalahan ang lahat na mag-ingat at iwasan ang mag-byahe sa mga nabanggit na lugar. Muling maglalabas ng update ang PAGASA ganap na alas otso ng gabi.