203 total views
Inaasahang kalakip sa mga tatalakayin at pagtutuunan ng pansin sa nakatakdang National Conference of Youth Ministers sa bansa ang layunin ng nakatakdang October Synod on Youth sa Roma.
Ito ang ibinahagi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Rev. Fr. Conegundo Garganta sa mga ginagawang hakbang ng kumisyon.
Ayon sa Pari, isasagawa ang National Conference of Youth Ministers sa ika-10 hanggang ika-14 ng Setyembre na naglalayong maging daan upang mas mahubog ang mga kabataan sa kanilang tungkulin bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.
“with regards to preparation, I think it’s not more of a preparation but being how best we can incorporate in our youth event particularly the intention of the October Synod, this September 2018 from September 10 to 14 we will have our celebration of the National Conference of Youth Ministers wherein part of our consciousness is to make this National Conference of Youth Ministers also aware of that Synod on Youth especially this coming October…”pahayag ni Father Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.
Ibinahagi ni Fr. Garganta na lalo pang pagnilayan sa National Conference of Youth Ministers ang layunin ng October Synod on Youth sa Roma.
“We try to find ways where we can incorporate specially the output of the March meeting in preparation for the Synod on Youth, so part of our program will be the presence of those who participated in the March preparatory meeting held in Rome last March…” pagbabahagi ni Fr. Conegundo Garganta.
Ayon sa Pari, dadalo sa nakatakdang National Conference of Youth Ministers sina Gerald Rey Opiya ng Archdiocese of Palo, Leyte at Alyana Therese Pangilinan ng Diocese of Bacolod upang maibahagi ang kanilang mga karanasan at mga natalakay sa naganap na Pre-Synod gathering kasama ang may 300 mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa na nagpahayag ng mga sitwasyon na kinahaharap at pinagdadaanan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Pangungunahan ng Diocese of San Pablo ang pagsasagawa ng National Conference of Youth Ministers ngayong taon na may temang “Youth Ministers: Called and Chosen” na dadaluhn ng mga youth ministers mula sa 86 na mga diyosesis sa buong bansa.
Nagtakda rin ng scriptural theme para sa pagtitipon na “I have set you an example that you should do as I have done for you.” (Jn. 13:15, NIV)