294 total views
‘Malaki pa ang dapat habulin ng susunod na administrasyon sa paglikha ng trabaho.’
Ayon pa kay Diocese of Tagbilaran, Bohol Bishop Leonardo Medroso, kinakailangan pang maging inclusive ang bansa lalo na sa pagbibigay ng sapat na trabaho sa mga Pilipino sa gitna pa rin ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya.
Paliwanag pa ni Bishop Medroso na kailangan malampasan ng ekonomiya ang ‘job opportunities’ sa bansa upang mabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
“I think so dahil marami na rin sa mga tao ngayon na naka – employ in the private and in government. I think we have increased our economy and I think we have improved. That is because of the increase in our economy we created also job placement but malaki pa rin ang margin na kailangan i – improved. We are hoping that with the improvement of our economy we are hope of the increase more jobs para mabigyan ng trabaho ang ating mahihirap na kababayan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Medroso sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na tumaas ng 6.1 porsyento ang unemployment rate nitong buwan ng Abril na ayon sa sa Philippine Statistics Authority, katumbas ito ng 2.6 na milyong mga Pinoy na walang trabaho.
Gayunman, bumaba naman ang bilang ng mga underemployed na Pinoy na nasa 7.35 million mula sa 7.88 million noong Enero.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika na mainam na mabigyan ng sapat na trabaho ang mga tao sa ikauunlad hindi lamang ng lipunan kundi ng kanilang pamilya.