152 total views
Kinundina ng Commission on Human Rights (CHR) ang naganap na dalawang magkasunod na pagsabog sa kasagsagan ng Banal na Misa sa Jolo Cathedral.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, karumal-dumal ang sinapit ng mga biktima ng pagsabog kung saan umabot ng 20 ang namatay habang mahigit 80 naman ang sugatan.
Iginiit ni Atty. De Gui na nararapat ng mawakasan ang karahasan sa rehiyon ng Mindanao lalo na’t matagal ng naghahangad ng kapayapaan at katahimikan ang mga residente na layon nang isinagawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.
“The Commission on Human on Rights strongly condemns the ruthless bombing at a Catholic cathedral in Jolo, Sulu that left at least 20 dead and 80 others injured. Our countrymen and -women have long yearned for peace in Mindanao. Such violence has no place in the country especially that concerned areas are in the midst of forging durable peace through the Bangsamoro Organic Law plebiscite.” pahayag ni de Guia.
Nagpaabot rin ng pakikidalamhati ang kumisyon sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa naganap na pagsabog kasabay na rin ng panawagan upang mabigyang katarungan ang naganap na insidente.
Binigyang diin rin ni Atty. De Guia na mahalagang mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng pagpapasabog sa loob at labas ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo.
Ibinahagi naman ni Atty. De Guia ang pakikibahagi ng Commission on Human Rights sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa naganap na insidente.
“We extend our sympathies to the families and friends of the victims, as we urge everyone to stand firm on working for lasting peace and refuse fear to take root. At the same time, we call on the government to ensure that the perpetrators of this barbaric act are made accountable for this crime in defense of the rights and dignity of all. A joint team from CHR Central Office, through its Investigation Office, and CHR-Region IX shall investigate the incident.” Dagdag pahayag ni de Guia.
Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang pagsabog ang naganap sa Jolo Cathedral pasado alas-otso ng umaga noong linggo sa kasagsagan ng isinasagawang Banal na Misa.
Batay sa tala mula taong 2000, aabot na sa halos 10 ang mga pag-atakeng naitala sa Jolo Cathedral at sa mga lugar malapit ng ibat-ibang teroristang grupo sa rehiyon ng Mindanao.