23,507 total views
Ipinapanalangin ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang pagkakabuklod-buklod ng bawat pamilya ngayong 2024.
Ayon kay Archbishop Bendico, nawa’y patuloy na mamutawi sa bawat pamilya ang kasiyahan upang manatili ang pagsasamahan at kapayapaan sa lipunan.
“Let the joy and gladness of 2024 flow naturally within our families. Let us meet this New Year as a complete family, with togetherness, in prayerfulness and in thanksgiving. Let us be optimistic of what lies ahead for 2024. A new beginning has a lot of things in store for us. For God’s generosity prevails forever,” mensahe ni Archbishop Bendico mula sa panayam ng Radio Veritas.
Una na ring nanawagan sa publiko ang arsobispo sa publiko sa pag-iwas ng paggamit ng mga paputok at iba pang mapapanganib na armas na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kapwa.
Sinabi ni Archbishop Bendico na higit na kasiya-siya ang pagtanggap at pagsalubong sa bagong taon nang masaya at ligtas ang bawat miyembro ng pamilya.
“Firecrackers can also destroy the peace and serenity of families. Protect the hands and feet of our family members from the devastation of firecrackers. Let us avoid a bloody New Year. Be careful! It’s not good to start the New Year with anguish and cries of sadness,” saad ni Archbishop Bendico.
Batay sa huling ulat ng Philippine National Police, dalawa na ang nasawi dahil sa paputok at ligaw na bala matapos ang pagsalubong sa bagong taon.
Sa tala naman ng Department of Health, umabot na sa 443 ang kabuuang bilang ng firecracker-related injuries sa bansa.