424 total views
Nakatuon sa pakikitungo at pagbubuklod ng pamayanan ang tema ng ika – 55 World Day of Peace sa susunod na taon.
Sa inilabas na pahayag ng Dicastery for Promoting Integral Human Development tinukoy ng Kanyang Kabanalan Francisco ang tatlong mahalagang gawain sa pagkakamit ng maayos at matiwasay na lipunan.
“Pope Francis thus identifies three vast contexts today in full mutation, in order to propose an innovative reading that responds to the needs of current and future times, inviting everyone “to read the signs of the times with the eyes of faith, so that the direction of this change should raise new and old questions which it is right that we should face,” bahagi ng pahayag ng tanggapan.
Napiling tema sa pandaigdigdang pagdiriwang ang “Education, work and dialogue between generations: tools for building lasting peace” kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan sa pagkakamit ng kapayapaan.
Hamon ng Santo Papa sa bawat isa ang pagninilay kung paano makatutulong ang edukasyon sa paghubog ng pundasyon ng kapayapaan at pagtataguyod sa katarungang panlipunan.
Ayon pa sa punong pastol ng simbahan, dapat suriin ng mamamayan kung isinasabuhay ng bagong henerasyon ang pakikipagkapwa tao at ang mga pamahalaan ay matagumpay na nagsulong ng kapayapaan sa pamayanan.
Tuwing January 1 ipinagdiriwang ng simbahan ang World Day of Peace na pinasimulan ni Pope Paul VI na pinagtibay sa kanyang mensahe noong December 1967.