4,261 total views
Nanawagan ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na magkaisa at magtulungan sa pagbubuo ng isang matatag na komunidad para lahat at sa susunod pang henerasyon.
Ito ang bahagi ng mensahe ng Caritas Philippines kaugnay sa paggunita ng International Day for Disaster Risk Reduction ngayong araw.
Ayon sa Caritas Philippines, dapat na maisantabi ang mga salik na nagdudulot ng pagkakahati-hati ng lipunan kabilang na ang kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay upang matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa oras ng kalamidad at sakuna.
“On this International Day for Disaster Risk Reduction, Caritas Philippines calls on everyone to work together to fight inequality and build a more resilient future for all. Poverty, inequality, and discrimination are major drivers of disaster risk. When people are marginalized and excluded, they are more likely to live in risky areas and have less access to resources and support to prepare for and recover from disasters. We can curb the destructive power of hazards and build a more resilient future for all by addressing inequality, investing in resilience, and protecting the most vulnerable.” Ang bahagi ng panawagan ng Caritas Philippines.
Iginiit ng Caritas Philippines na mahalaga ang kahandaan at kaalaman ng bawat mamamayan sa oras ng kalamidad.
Tema ng 2023 International Day for Disaster Risk Reduction ngayong taon ang “Fighting Inequality for A Resilient Future” na naglalayong labanan ang hindi pagkakapantay-pantay upang magkaroon ng mas matatag at nagkakaisang lipunan.
Batay sa pag-aaral ng United Nations noong 2015, ika-apat ang Pilipinas sa mga pinakalantad na bansa sa mga kalamidad kung saan tinatayan aabot sa mahigit 20-bagyo ang nananalasa sa bansa kada taon.
Unang nilinaw ng Simbahang Katolika na hindi parusa ng Diyos ang mga nagaganap na kalamidad sa mundo, tulad ng lindol at malalakas na bagyo sa halip ay bunga lamang din ng kapabayaan ng mga tao na maaaring maiwasan kung ang bawat mamamayan ay magkakaroon ng malasakit sa kalikasan.