2,995 total views
Inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairperson ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ang pagpapaigting ng Simbahan sa pagtiyak ng kapakanan ng mga kabataan sa lipunan.
Sa programang Pastoral Visit On-Air ng Radio Veritas ay ibinahagi ni Bishop Bagaforo na kabilang sa mahahalagang usaping natalakay ng kalipunan ng mga Obispo sa naganap na 126th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong ika-8 hanggang ika-10 ng Hulyo, 2023 ang maselang usapin ng safeguarding o pagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga minor de edad sa bansa.
Ayon sa Obispo, bahagi ng bagong mandato ng Vatican ang pagkakaroon ng protocol ng bawat diyosesis sa tama at naaangkop na pagtugon sa anumang kaso ng pang-aabuso o pangmamaltrato sa mga kabataan.
“Napag-usapan namin ay medyo maselan na topic, iyong safeguarding. Alam mo kasi marami ng nangyayaring in other parts of the country yung mga sexual abuses, saka mga sexual harassments sa mga minors so dapat, ang mandato na bigay ng Vatican – ang bawat diocese ay may protocol, safeguarding protocol. In the event na merong mangyari dapat mayroon ng mga protocol to address it.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Una ng inihayag ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na kabilang sa naging talakayan at ibinahaging pagninilay ni Archbishop of Boston – Cardinal Sean O’Malley – President ng Pontifical Commission for the Protection of Minors sa retreat ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan hindi lamang sa lipunan at pamayanan kundi maging sa mga parokya at mga Simbahan.
“He’s known of course as being the cardinal who is also the president or the head of the Pontifical Commission for the Protection of Young People, of minors. So he gave a very profound reflection on the importance of safeguarding in the church and making sure that our churches and the parishes and every church institution is really a safe environment for young people.” Pagbabahagi ni Archbishop Brown.
Naganap ang 126th Plenary Assembly ng CBCP sa Marzon Hotel sa Kalibo Aklan sa ilalim ng pangangasiwa at paghahanda ng Diocese of Kalibo na dinaluhan ng mahigit sa 80-obispo mula sa may 86 na diyosesis, arkidiyosesis, prelatura, at bikaryato sa buong bansa.