1,861 total views
Nanawagan ang pinaka-malaking samahan ng labor groups sa pamahalaan na imbestigahan ang paniniil ng mga malalaki at international companies sa sektor ng manggagawa sa bansa.
Tinukoy ng NAGKAISA Labor Coalition ang malawakang pagtatanggal ng mga kompanya sa kanilang manggagawa nang walang sapat na dahilan.
Nangangamba si Atty.Sonny Matula – Chairperson ng NAGKAISA at Federation of Free Workers (FFW), na ginagawa ito maaring paraan ang hakbang upang mabuwag ang mga Union at iba pang samahan ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho.
“A case in point in the private sector, Nagkaisa showed, is the plight of some 400 workers at De Los Santos Medical Center (DLSMLC) where regular workers are gradually being replaced by new hires under the category of CNA (under-board nursing assistants) whose functions overlap with Orderly or tenured employees who have been working at the hospital for at least 10 years,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.
Iginiit ni Matula na nananatiling banta sa kabuhayan ng mga manggagawa ang hakbang ng malalaking kompanya.Ayon kay Matula, kahit regular na manggagawa ay kasama din sa mga natatanggal sa trabaho lalo na ang mga kontrakwal o bahagi ng manpower agencies.
“The coalition said the labor department well as the Civil Service Commission must act swiftly to this kind of problem because the issues here involve not only the loss of jobs and tenure but also the right of workers to unionize, a condition which the recent ILO High Level Tripartite Mission in the country found deteriorating rather than improving,” bahagi ng panawagan ni Matula.
Bukod sa DLSMLC, isinagawa ng mga kompanyang Nestle-Wyeth Philippines at Duty Free Philippines ang mass layoff kung saan tinanggal ang mga manggagawa kasama ang mga mga leader o miyembro ng mga union.
Mariin namang kinukundena ng mga sangay ng simbahan na katulad Church People Workers Solidarity at Ecumenical Institute of Labor Education and Research ang pagsasagawa ng mga katulad na hakbang.