675 total views
Inilaan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kaniyang pangunahing intensyon sa pananalangin sa buong buwan ng Setyembre sa tuluyang pagbuwag ng parusang kamatayan.
Nawa ayon sa Santo Papa ay isantabi na ng mga bansa ang parusang kamatayan na laban sa dignidad at buhay ng bawat nilalang.
SEPTEMBER
For the abolition of the death penalty
We pray that the death penalty, which attacks the dignity of the human person, may be legally abolished in every country.
Sa Pilipinas taong 1987 nang unang ipag-utos ng dating Pangulong Corazon Aquino ang pagbawi sa death penalty, bagama’t muling naipatupad sa ilalim ng Ramos Administration hanggang sa Estrada Administration.
Taong 1999 pinatawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal onjection si Leo Echagaray sa kasong panggagahasa.
Taong 2000 naman nang ipatupad ng dating Pangulong Estrada ang moratorium para sa death penalty at tuluyang nang isinantabi ni dating Pangulong Gloria Arroyo taong 2006.
Ipinag-utos din ng dating pangulong Arroyo na ibaba sa habang buhay na pagkakulong ang mga pinatawan ng death penalty ang may higit isang libong preso.
Nananatili naman ang paninindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines laban sa planong ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Sa tala ng Amnesty International, nasa 144 mga bansa na ang nagbuwag o hindi nagpapatupad parusang kamatayan dahil sa kabiguan na mapababa ang kriminalidad sa pamayanan.