Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdanak ng dugo sa Negros

SHARE THE TRUTH

 541 total views

Mga Kapanalig, sa pangangaral ni Hesus sa bundok na matutunghayan natin sa Mateo 5:21, ipinaalala Niya, “Huwag kang papatay; at ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib sa kahatulan.” Malaking paglabag sa kalooban ng Diyos ang pagpatay, kaya hindi lamang sa mga batas ng tao mapananagot ang sinumang bumawi sa buhay ng kanyang kapwa. Maghihintay din siya ng paghatol mula sa Panginoong pinagmulan ng buhay.

Sa ngayon, hinihintay nating mapanagot sa mga batas ang mga nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay Rolly Fausto, 52 taóng gulang na magsasaka sa Negros Occidental. Hindi lamang siya ang biktima. Natagpuan ding walang buhay sa kanilang kubo ang kanyang asawang si Emelda at dalawa nilang menor-de-edad na anak na sina Ben at Ravin. Tadtad sila ng bala nang madatnan ng panganay na anak nina Rolly at Emelda.

Miyembro ang mag-asawa ng Baclayan, Bito, Cabagal Farmers and Farmworkers Association na sinasabing pinag-iinitan ng militar dahil sa kanilang ugnayan diumano sa New People’s Army (o NPA). Ayon sa grupong Karapatan, biktima ng pangha-harass ng mga sundalo sina Rolly at Emelda ilang buwan bago sila pinatay. Isinailalim daw ang mag-asawa sa interrogation ng mga sundalo at hinalughog ang kanilang tirahan nang walang pahintulot. Sinaktan din daw si Rolly at pinilit na paamining kasapi siya ng NPA.

Itinanggi ito ng Armed Forces of the Philippines (o AFP). Hindi pa raw ito nakatatanggap ng impormasyon tungkol sa pagkakasangkot ng mga sundalo sa diumano’y harassment sa mag-asawang Fausto at sa nangyaring masaker. Idiniin ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na ang kanilang constitutional mandate ay ang protektahan ang taumbayan, sabay patutsada sa grupong Karapatan na aniya ay nakibalita sa NPA upang akusahan ang mga sundalo.

Nangyari ang masaker habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo. Sa kasong ito, nakabuhos ang atensyon ng ating gobyerno at maging ng media. Ganito rin sana ang makita nating sigasig ng mga awtoridad at mamamahayag sa pagsubaybay sa patuloy na pagpatay sa mga ordinaryong mamamayan sa isla ng Negros.

Ang hindi nawawalang mga hinalang sangkot ang awtoridad sa mga pagpatay na ito sa isla ay iniuugnay pa rin sa Memorandum Order 32 na inilabas noong 2018 ni dating Pangulong Digong Duterte. Sa ilalim ng kautusang ito, nagdagdag ang gobyerno ng mas maraming sundalo at pulis sa ilang probinsya sa bansa, kabilang ang Negros Oriental at Negros Occidental. Ito ay upang sugpuin ang “lawless violence” at “acts of terror.” Mula noon, maraming kaso ng pagpatay ang nangyari sa isla. Ang nakalulungkot, hindi pa rin nabibigyang-linaw kung sangkot nga ba ang mga awtoridad sa mga pagpatay doon.

Ngunit may maasahan pa kaya tayong patas na imbestigasyon kung ang mga dapat na gumawa nito ay bahagi ng institusyong nagsusulong ng karahasan laban sa mga itinuturing na kalaban ng gobyerno? Sino ang maasahan nating sasama sa mga biktima at mga naulila nila sa paghahanap ng katarungan, kung ang mga tagapagpatupad ng batas ay nagsisilbing instrumento na rin ng pagtatago ng katotohanan? Lagi ring itinuturo ang mga rebeldeng grupo bilang sangkot sa mga pagpatay sa anila’y kapwa nila rebelde, ngunit napatunayan na rin ba ang mga ito?

Mga Kapanalig, ulitin natin ang paalala noong 2020 ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diyosesis ng San Carlos: “It is a grave omission to remain silent and passive, and allow perpetrators to get away.” Isang matinding pagkukulang ang manatiling tahimik at walang-kibo, at payagan ang mga may kasalanan na makatakas. Nakapatong sa balikat ng ating gobyerno ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng mga pagpatay sa mga kapatid natin Negros, kasama sina Rolly Fausto at ang kanyang pamilya.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,196 total views

 16,196 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,852 total views

 30,852 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,967 total views

 40,967 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,544 total views

 50,544 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,533 total views

 70,533 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,197 total views

 16,197 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,982 total views

 1,982 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,853 total views

 30,853 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,968 total views

 40,968 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,545 total views

 50,545 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,534 total views

 70,534 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,360 total views

 47,360 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,385 total views

 42,385 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,954 total views

 45,954 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,409 total views

 58,409 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,476 total views

 69,476 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,795 total views

 75,795 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,407 total views

 80,407 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,967 total views

 81,967 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,528 total views

 47,528 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top